UBUSAN pala talaga ng ticket ang labanan para sa sixth anniversary presentation ng It’s Showtime ng ABS-CBN na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum ngayong tanghali.
Wala na kaming makuhang tickets para sa mga friends namin, yung isa kong kaibigang taga-media ay nakakuha ng three tickets pero sa bleacher na ito nakapuwesto. Kaya tiyak na panalo ang Showtime ngayong araw.
Hindi ako Showtime fan – never. I am an Eat Bulaga baby talaga kahit taga-ABS-CBN ako. I cannot lie to myself dahil I grew up with Eat Bulaga. But of course, I also admire It’s Showtime in some ways – their humility lalo na sa panahon ngayon dahil for me ay sobrang mahalaga ang kanilang pagiging mapagkumbaba more than the kasikatan of my favorite Eat Bulaga.
Kasi napakaraming AlDub fans ang nang-aaway na, nagiging bastos na rin. Naging mayabang na sila mula nang sumikat ang segment nina Alden Richards at Maine Mendoza o Yaya Dub sa EB. It leaves a bad taste sa ating lahat.
Nakakawalang-gana na rin in a way – para nating tino-tolerate ang pagiging mataas ng mga taong ito.
Pag pinuna mo sila nang konti, titirahin ka nila to high heavens kaya sabi ko sa sarili ko, saang impiyerno kaya ga-ling ang ibang AlDub fans? Very disappointing, di ba?
Pasalamat sila close kami sa mga hosts and proudction ng Eat Bulaga, kasi ang ilang na fans ito, wala sa lugar. Namemersonal. Baka akala nila forever na silang sikat.
Gosh! Para namang bago sila nang bago sa showbiz – sikat ka nga ngayon pero hindi natin alam kung hanggang kailan. Unless sustained, di ba? Hay naku, mahirap silang patulan dahil hindi sila marunong umintindi.
Anyway, star-studded ang It’s Showtime today. Aside from Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Billy Crawford, Jhong Hilario and many others, sangkaterbang Kapamilya stars ang makiki-celebrate sa kanilang 6th anniversary.
And mind you, we will support Showtime from now on dahil sa mga bastos na AlDub fans na ito. It’s not awa you know, we need decent fans to work with. We’re tired of handling these kinds of netizens dahil hindi na sila umaasta nang tama.
Hayaan na lang natin sila, baka sila rin ang magpapabagsak sa AlDub pagsapit ng panahon. Kungsabagay, fad lang iyan sa tingin ko. Pero good luck pa rin kina Alden and Maine dahil nakatsamba sila.
Basta ako, it may just leave a little pain in the heart pero I will try to shy away na being an Eat Bulaga fan. But my love for the people sa Eat Bulaga remains. Hindi na lang muna ako aalalay sa kanila until the AlDub fever is still on.
Tama naman, di ba? Dami kasing bobo sa mundo. Ha-hahaha! In fairness sa It’s Showtime, mabait ang direktor nila, si kaibigang Bobet Vidanes. Isa siya sa saving grace namin sa show.
Yes, I personally believe na naaapektuhan sila nang sobra sa ratings noon ng kalaban nilang Eat Bulaga because of this AlDub thing. Pero in fairness to them, unti-unti silang bumabawi lalo na sa pagdating ni Pastillas Girl na kahit hindi man kasing-sikat ng AlDub ay nakatulong naman kahit papaano sa pag-angat ulit ng confidence ng show.
Hindi naman sila nakikipag-head on compete with Eat Bulaga eh, they just compete with themselves. And Direk Bobet is very humble enough to acknowledge na medyo tinamaan nga sila nang konti pero it’s not the end of the world for them.
Naniniwala kasi kami na pana-panahon lang naman iyan, eh. Pero hindi kailangang magyabang. Kumbaga, “been there-done that” naman ang It’s Showtime. What is important to them ay nakaka-entertain sila ng sarili nilang merkado.
Ang dapat gawin sana ng AlDub fans ay maging mas humble, hindi nagyayabang. Gosh! Tsamba lang naman ito to its maximum level. Honestly, ang nagdadala talaga sa segment na ito ay sina Wally Bayola, Jose Manalo and Paulo Ballesteros and the rest of the main host sa studio kaya nag-sizzle ang said segment at ang recipient nito ay sina Alden at Maine.
Kasi sa kanila nakasentro ang aten-syon ng brilliant ideas ng hosts and writers ng show. Kumbaga, it could have been anyone else – kaya dapat humble pa rin sina Alden and Maine. In fairness to Alden, mabait na bata talaga iyan.
Matagal na naming kaibigan iyan. We may not be the best of friends pero we like him kasi nga charismatic ang batang iyan. Very pleasant. Hindi pa namin nami-meet si Maine Mendoza and looks like edukadang babae naman ito.
Kaya sana they remain humble. Kumbaga sa salita natin palagi, trabaho lang walang personalan.
Pag nasa itaas na, medyo hinay-hinay at huwag magyabang. Pag nasa itaas ka, there’s no way up but down. Palagi nating pakatandaan iyan.
Anyway, congrats sa It’s Showtime sa kanilang 6th anniversary. Star-studded ito kaya for sure masarap itong panoorin.