Mula sa Crame, magkapatid na Reyes inilipad na sa Palawan

reyes-0925-660x371
INILIPAD na ang magkapatid na sina dating Palawan governor Joel Reyes at dating Coron mayor Mario Reyes sa Puerto Princesa matapos namang dumating mula sa Thailand at sumailalim sa booking procedures sa Camp Crame.
Bago mag-alas-12 ng tanghali nang umalis ang magkapatid na Reyes sa Philippine National Police (PNP) headquarters sa Camp Crame. Sila ay inihatid ng mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sakay ng white coaster.

Dinala ng mga miyembro ng CIDG ang magkapatid Ninoy Aquino International Airport (Naia) terminal 3 para sa flight nila papuntang Puerto Princesa ganap na alas-1:30 ng hapon.
Naaresto ang dalawa noong Linggo at idineport dahil sa paglabag sa immigration laws.
Nang dumating sila NAIA mula sa Thailand, isinilbi ang warrant of arrest laban sa magkapatid na Reyes at kapwa pinosasan.
Dinala ang magkapatid sa CIDG headquarters in Camp Crame kung saan sila sumailalim sa booking procedures, kasama na medical checkup, pagkuha ng fingerprint at mugshot. Dumating sila sa Camp Crame pasado alas-4 ng umaga.
Tinangka pang pigilan ng abogado ng magkapatid na Reyes na ibiyahe na sila sa Palawan dahil umano sa lagnat ni Mario at hypertension naman ni Joel.
Iginiit naman ni CIDG national Capital Regional chief Supt. Danilo Macerina na idineklara ng mga doktor na nagsagawa ng medical check up sa dalawa na maaari naman silang makapagbiyahe.

Read more...