3 sugatan matapos masunog ang isang plastic warehouse sa Valenzuela

valenzuela.
SUGATAN ang tatlong manggagawa matapos umabot sa fifth alarm ang sunog sa isang plastic warehouse sa Valenzuela City kaninang umaga.
Ayon sa ulat ng Radyo Inquirer 990AM, nagsimula ang sunog sa Loyola Family Industrial Corporation sa kahabaan ng C. Molina st. sa Viente Reales ganap na alas- 10:01 ng umaga.

Sinabi ni Valenzuela City fire marshal Jonas Silbano na dinala ang mga hindi pa nakikilang mga biktima sa isang kalapit na ospital.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog.

Read more...