Horoscope, September 25, 2015

Para sa may kaarawan ngayon: Panahon ngayon ng mga Libra. Ibig sabihin, kusang maghahari sa buhay mo ang pag-ibig. Sa pinansyal, tandaang kapag “laging in love” ay mas maraming salaping darating. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Patrenan-Om-Ayena.”

Aries – (Marso 21-April 19)—Kung balak magnegosyo ay ngayon na ang panahon, habang bumibilog ang buwan sa langit mas maraming kikitain. Sa pag-ibig, kumbinsihin ang kasuyong Libra na magsosyo kayo ng produktong may kaugnayan sa Holiday Season, tulad ng produktong pagkain. Mapalad ang 3, 12, 24, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pulkasa-Om-Kirata.” Maroon at beige ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Ang pagpapakabait at mababang loob ay mabuti, pero ang masama ay kung naisasakripsiyo mo na nang hindi mo namamalayan ang budget ng iyong pamilya. Hindi masamang magpautang pero unahin muna ang kapakanan ng mga mahal sa buhay. Mapalad ang 7, 9, 15, 24, 33, at 42. “Om-Mohaya-Om-Mitra.” White at blue ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Sa pagiging tapat at totoo ay may masayang pag-ibig na mararanasan. Suwerte sa produktong dini-deliver at inilalako, gayon din sa mga kalakal na kumikislap, kumikinang at may magaganda at kaakit-akit na kulay. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Gayatri-Om.” Silver at yellow ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Mahiwaga ang luha para sa iyo. Kaya nga sa sandaling iniyakan o binigyan mo ng kaunting luha ang anumang nais makamit, sa salapi man at pag-ibig, tiyak na ito ay ibibigay sa iyo ng tadhana. Mapalad ang 3, 15, 18, 21, 29, 34 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Om-Gosvami.” Green at white ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Panahon na upang mag-isip nang malaking layunin. Tandaan na ang malaking layunin ang magpapayaman sa iyo. Sa pag-ibig, tuloy ang pakikipagrelasyon sa isang mapormang Aries. Mapalad ang 1, 4, 27, 36, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kubera-Om.” Red at lilac ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Maraming buenas ang darating, pero dapat mo itong ingatan, kasabay ng suwerte ang mga tukso ng kaimoralan. Kapag nanatili kang matuwid, mananatili din sa iyo ang bonggang-bonggang suwerte. Mapalad ang 7, 18, 27, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Yellow at green ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Dahil panahon ngayon ng mga Libra, higit na mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang kusang matatanggap higit lalo sa pinansyal at sa aspetong pang-emosyonal. Panahon na upang magalak at ngumiti. Mapalad ang 3, 9, 10, 19, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Jagat-Guro-Om.” Beige at marron ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Tama lang ang iyong ginagawa, hindi dapat mang-api at hindi ka rin dapat paapi. Habang inuuna ang kapakanan ng mga inaapi, kusang darating ang maraming suwerte, higit lalo sa pag-iibig at sa pananalapi. Mapalad ang 7, 11, 19, 23, 26, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Avayara-Om-Beeja.” Pink at purple ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Magtiis hangga’t kaya pa! Ganyan talaga ang bida sa mga telenobela, inaapi at binubogbog sa umpisa. Subalit sa sandaling umedad ka na ng 33 o kaya’y 42, kusa nang gaganda ang iyong kapalaran sa pag-ibig at pinansyal. Mapalad ang 6, 14, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gorocha-Om.” Brown at gray ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Ang unti-unting pagkaubos ng salapi sa ngayon ang maghahatid sa pagyaman sa darating na mga panahon. Sa pag-ibig, ang kabiguan ngayon ay lihim na daan upang matagpuan ang isang mas maligaya at panghabang buhay na ka-relasyon. Mapalad ang 4, 7, 19, 24, 34, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Joviyo-Om-Krato.” Gold at lilac ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)— Kung bigo man sa pag-ibig, ituon na lang ang buhay sa salapi. Walang dapat gawin sa ngayon kundi ang magpayaman. Kapag mayamang-mayaman ka na, makakabili ka na rin ng isang tapat at tunay na pag-ibig. Mapalad ang 7, 15, 23, 34, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om.” Yellow at pink ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Kakapusin ka na naman sa pera na lagi namang nangyayari. Ang magandang gawin ngayon ay magtipid. Alalahaning malapit na ang Pasko at kapag Pasko masarap ang maraming pera. Sa pag-ibig, magpatago ng kaunting halaga sa kasuyong kuripot. Mapalad ang 7, 20, 22, 27, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Keh-Balam.” Green at red ang buenas.

Read more...