May iba ng GF ang BF (2)

 

Sulat mula kay Ma. Lyn ng Bagbag,  Novaliches, Quezon City
Problema:
1. Mag-iisang taon na sana ang relasyon namin ng boyfriend ko sa darating na December 16 kaya lang ay bigla siyang nagbago. Napansin ko ito nang hindi na siya masyadong pumapasyal sa bahay at madalang na rin niya akong tawagan. Hanggang sa nagpasya na akong kausapin siya nang masinsinan. Inamin nya sa akin na may bago na raw siyang girlfriend, officemate niya. Humingi naman siya sa akin ng sorry pero hindi ko matanggap. Hanggang ngayon ay masakit pa rin ang loob ko kasi mahal na mahal ko siya at pagkatapos iniwan nya ako sa ere na mag-isa.
2. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung magkakabalikan pa ba kami ng boyfriend ko? At kung hindi na, kailan kaya uli ako magkaka-boyfriend at magiging pangmatagalan na kaya at kung kailan ako makapag-aasawa? January 29, 1991 ang birthday ko at August 30, 1990 naman ang boyfriend ko.
Umaasa,
Ma. Lyn ng Quezon City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aquarius (Illustration 2.) ang nagsasabing pagkatapos ng unang kabiguan sa pag-ibig, sa ikalawang pag-ibig na hatid ng isang lalaking isinilang sa sign na Libra, sigurado ang magaganap, habang buhay kang liligaya.
Numerology:
Ang birth date mong 29 ay nagsasabing papalarin ka sa bilang na ikalawa. Kaya kung nabigo ka sa una mong boyfriend, tulad ng nasabi na, sa “ikalawang pakikipag-boyfriend” na nagtataglay ng birth date na 16, magiging tapat na siya sa iyo at pang habang buhay mo na rin siyang makakasama.
Luscher Color Test:
Mananatili naman sa iyo ang magandang kapalaran kahit na pinagpalit ka ng boyfriend mo sa ibang babae basta lagi ka lang magsuot ng damit na kulay berde at dilaw. Ang nasabing mga kulay ang muling magpapaganda ng iyong kapalaran.
Huling payo at paalala:
Ma. Lyn, ayon sa iyong kapalaran, okay lang na mawala at iniwan ka ng unang boyfriend mo dahil hindi naman talaga kayo ang sadyang laan para sa isat-isa. Mas mabuti pang pahiran na ang iyong luha sa mga mata dahil sa buwan ding ito ng Setyembre, pinakamatagal na sa unang linggo ng buwan ng Oktubre, isang lalaking nagtataglay ng initial na R.C. ang darating. Siya ang itatalang ikalawang boyfriend mo at tuluyan mo ng makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya na nakatakdang mangyari at maganap sa taong 2018 sa edad mong 27 pataas.

Read more...