Patong-patong na kaso ang kinakaharap ng mga dating opisyal ng Landbank of the Philippines at Social Security System kaugnay ng maanomalya umanong pagbebenta ng shares ng Meralso sa Global 5000 noong 2008 hanggang 2009.
May nakitang batayan ang Field Investigation Office upang magsampa ng mga kaso ng graft laban sa mga dating opisyal ng SSS na sina chairman Thelmo Cunanan, Vice-Chairman Romulo Neri, Marianita Mendoza, Donald Dee, Sergio Ortiz-Luis, Jr., Fe Tibayan Palileo, Victorino Balais at Sonny Matula.
Gayundin sa mga LBP executives na sina Margarito Teves, Gilda Pico, Marianito Roque, Patricia Rualo-Bello, Eduardo Nolasco, Albert Balingit, Ombre Hamsirani, George Regalado, Cyril Del Callar, Roberto Vergara, at Carel Halog.
At mga opisyal ng Global na sina Iñigo Zobel, Roberto Ongpin, Joselito Campos, Jr., Consuelo Eden Lagao at Rhodel Gandingco.
Noong Enero 2009, inaprubahan umano ng mga akusado ang pagbebenta ng shares ng Meralco sa Global sa halagang P5.669 bilyon. Ang downpayment ay P1.133 bilyon.
Inapubahan umano ng SSS ang kasunduan kahit na ang Global ay mayroon lamang P62.5 milyon paid-up capital.
Ibinigay din umano ng SSS ang karapatan nitong bumoto kahit pa hindi pa nababayaran ng buo ng Global ang napagkasunduang halaga.
Inaprubahan din ng LBP ang pagbebenta ng Meralco shares na nagkakahalaga ng P4.193 bilyon sa Global.
MOST READ
LATEST STORIES