ITINANGGI kahapon ni Sen.Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nakatakda niyang ilunsad ang kanyang kandidatura sa pagkapangulo sa Pangasinan sa Linggo.
“There is no truth to reports I would announce my candidacy in Pangasinan this weekend. I have been hearing so many dates of my supposed declaration of my plans for 2016. Unless you hear it directly from me, do not believe,” sabi ni Marcos.
Idinagdag ni Marcos na sinasadyang ipakalat ang maling balita para siya pasamain.
“I have not authorized anyone to speak on my behalf regarding my plans for 2016. When I reach a decision on this matter, you will hear it not from anybody else but directly from me,” dagdag ni Marcos.
Nauna nang lumabas sa isang pahayagan na nakatakda umanong ihayag ni Marcos ang kanyang kandidatura sa Mangaldan, Pangasinan.
Nanggaling umano ang impormasyon mula sa bagong tayong Pagkakaisa ng Mga Pilipino Para sa Pilipinas (PPP) na ang chairman ay si Vicente Millora.
Isa si Marcos sa ikinukunsidera ni Vice President Jejomar Binay bilang kanyang running mate sa 2016.