Panaginip nagbigay ng P55M

lotto for site
Panaginip ng anak ang nagbigay ng suwerte sa 61-anyos na lalaki na nanalo ng P55.1 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 noong Setyembre 14.
Pumunta na sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang 61-anyos na lalaki na mayroong apat na anak.
Siya ang nag-iisang nakakuha ng lumabas na number combination na 4-16-27-28-29-30 na galing umano sa panaginip ng kanyang anak na babae.
May 15 taon na umano siyang tumataya sa lotto at nagkakahalaga ng P60 ang kanyang itinaya ng maka-jackpot.
Plano ng nanalo na palakihin ang kanyang fish trading business at magtabi para sa kinabukasan ng kanyang mga anak.

Read more...