SI Sheryl Cruz ang lumalabas na kontrabida ngayon sa mata ng ilang kaalyado at kakampi ni Sen. Grace Poe matapos itong magsalita tungkol sa pagtakbong pangulo ng kanyang pinsan sa 2016. Bwisit na bwisit ang ilang supporters ng senadora dahil sa pagdakdak ni Sheryl in public.
Nu’ng isang gabi, nakorner ng ilang miyembro ng entertainment media at TV crew ang Kapuso actress sa Manila Hotel kung saan ginanap din ang grand presscon ng Iglesia Ni Cristo movie na “Felix Manalo” kung saan isa si Sheryl sa mga artistang may special participation.
May e-mail na kumalat nu’ng Martes tungkol sa plano raw ni Sheryl na magsagawa ng presscon para sa isang tell-all interview about Grace Poe.
Dinenay naman ng aktres na siya ang source ng e-mail. Pero ilang saksi ang nakausap namin na sa halip na dumiretso sa venue ng presscon si Sheryl ay niyaya raw nito ang ilang nakita niyang reporter at TV crew sa isang coffee shop sa loob ng nasabing hotel.
Nakasunod kami sa nasabing lugar at dito nga nagpa-interview ang pinsan ni Sen. Grace tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan nila.
Ayon kay Sheryl, wala siyang planong sirain ang pagkatao ng kanyang pinsan o magpapansin para mapag-usapan. Nagsasalita raw siya ngayon bilang isang Pilipino, bilang isang taxpayer at bilang isang nanay.
“Ang feeling ko, it’s just too abrupt. It’s too early. Kung mas marunong nga na se-nator na si Serge Osmeña, who works closely with my cousin, ang sinabi nga niya, ‘She would make a fine pre-sident, just not right now.’
“I’m not belittling Manang Grace’s capabilities. It’s just that she would be a more effective president come 2022 and not 2016,” chika ni Sheryl.
Dito rin itinanggi ng aktres na may kinalaman sa pagkontra niya sa kandidatura ni Grace sa 2016 ang dalawa pang presidentiable na sina Vice-President Jejomar Binay at former DILG Sec. Mar Roxas.
“I’m not here for anybody’s game. For somebody’s political agenda or career. Walang nag-uudyok sa akin para gawin ito. I have my own conscience. You know what, masyadong mataas ang talent fee ko para ako udyukin nila,” depensa pa ng Kapuso star.
Sey pa ni Sheryl, naniniwala siya na hindi mamasamain ng kanyang tiyahin na si Ms. Susan Roces ang ginawa niyang pagsasalita sa pagtakbo ni Grace bilang pangulo, “My aunt always respected our views, our opinions.
We may have different opinions of each other but, you know what, at the end of the day, pamilya pa rin kami. And blood would always be thicker than water. We will always make up for whatever differences.
“This is politics. This is a different arena than show business. I know it is more complicated and more dirty. Basta ang sa akin lang, I’m not talking here because I want to be the center of the stage or I want to be the center of attraction.
“I’m here because, tulad ng sabi ko sa inyo, may responsibilidad din ako bilang Pilipino para sabihan din yung mga tao na ito din naman yung mga nangyayari, ito yung mga pananaw ko.
Sarili kong opinyon ito, hindi para sa lahat ng tao, na nagsasalita ako,” esplika pa ni Sheryl.
Pagpapatuloy pa nito, “Sa akin lang naman, kung ano lang yung dapat kong sabihin, in protection, in defense of my mom and my family, especially yung first family ko—yung brothers ko, mama ko (Rosemarie Sonora), yung tatay ko (Ricky Belmonte) na nakahimlay na.”
“I owe it to them. I owe it to them na ako ang nabibigyan ng tsansa na magsalita. Na ako rin yung mag-clarify na hindi totoo yung mga ikinakalat nila na mga istorya dahil ang dami-dami nang istorya na lumalabas, iba-iba na.
“And, you know, kahit na gaano ka kapasensiyoso na tao, kahit na gaano ka pa katahimik na tao, minsan may mga times din na kailangan mo naman din na magsalita.
“So ako, for the longest time, I have not spoken, but this is the time na I’m just speaking. It’s not because of anything but it’s also to show my love for my family,” litanya pa ni Sheryl.
Dito rin mariing itinanggi ni Sheryl ang matagal nang tsismis na magkapatid sila ni Grace Poe, at ang itinuturo ngang ama nila ay si dating Pangulong Ferdinand Marcos.
“Ang mama ko, pupuwedeng magsalita. But just because gusto rin niya to keep the peace in the family, that’s why hindi rin yun nagsasalita. I’m not breaking that peace.
“It’s just…I’m a biological daughter to my mom, at kung walang nagsasalita, in defense of my mom. You can actually look for the archives of all the newspapers from the past. So, that is very impossible.
“Plus yung mga sinasabi nila na my mom gave birth? Saan sa Davao, sa Amerika? Kung saan-saan. Actually, they can make a Metro Manila Filmfest just about all these different versions of what they think has happened between my mom and Marcos.
“I’m so sorry. I don’t want to drag other family anymore and I hope you can allow me to go to the presscon of INC,” sey pa ni Sheryl na pinakiusapan nga ng producers ng “Felix Ma-nalo” na huwag nang pumunta sa presscon para hindi na mahaluan ng politika ang nasabing proyekto.