Willie puring-puri ang ugali ni Alden, pinayuhan sa paghawak ng kayamanan

willie revillame

Bibihira ang artistang sumikat na ikinaliligaya ng halos lahat ng kanyang mga kapwa artista ang popula-ridad na hinahawakan niya. Kadalasan ay maraming kuwentong lumulutang tungkol sa kapintasan ng sinusuwerteng artista.

Pero kakaiba ang ma-gandang suwerteng dumarating ngayon kay Alden Richards, lahat ay maligaya para sa kanya, sa aming pag-iikot ay wala pa kaming artistang naringgan ng negatibong komento tungkol sa kasikatan ngayon ng ka-loveteam ni Maine Mendoza.

Sabi ni Congresswoman Lani Mercado nang makakuwentuhan namin ang aktres-pulitiko, “Aliw na aliw ako sa AlDub. Tinututukan ko ang kalyeserye. Kapag marami akong work at hindi ko sila napapanood sa tanghali, hinahabol ko agad ang napalampas kung episode sa YouTube.

“Hindi na ako nagtataka kung bakit sumikat si Alden, mabait kasi siya, walang kayabang-yabang sa katawan, kaya talagang susuwertehin siya,” papuri sa Pambansang Bae ni Congresswoman Lani.

Ganu’n din ang papuri sa aktor ni Willie Revillame, “Simple lang si Alden, walang kaere-ere, mabait ang bata, kaya talagang marari pang magagandang opportunities ang naghihintay para sa kanya.

“Sabi ko sa kanya nu’ng magkausap kami, e, matuto agad siyang mag-invest habang kumikita siya, iba ang maagang pagpupundar, maganda ‘yung nakikita niya kung saan napupunta ang pinagpapaguran niya.

Mabait ang bata, talagang bibiyayaan siya dahil sa mabuti niyang puso,” papuri pa ni Mr. Wowowin sa kanyang kapwa Kapusong aktor.

Read more...