PNoy patuloy ang pangungumbinsi kay Robredo na tumakbong VP ni Roxas

pnoy1
SINABI kahapon ni Pangulong Aquino na nakipagpulong siya kay Camarines Sur Rep. Leni Robredo para pumayag nang maging bise presidente ni dating Interior secretary Mar Roxas.

Sa isang ambush interview sa Apayao, kinumpirma ni Aquino na bukod kay Robredo, kasama rin sina Roxas, Social Welfare Secretary Corazon “Dinky” Soliman at dalawang anak ni Robredo.

“So, wala pang tapos na usapan. Mag-uusap kami ulit, pero maganda ‘yung parang clearing the air, ano. ‘Yung expectation settings, lahat, nandoon nailagay; bakit kami pabor na siya ang maging vice president natin, et cetera,” sabi ni Aquino.

Kasabay nito, ikinatuwa rin ni Aquino ang pag-angat ni Roxas sa mga
survey.

“Ang punto lang nito, ‘yung 18-point jump very, very significant ‘yon. So bagamat number two sa ngayon, e dati ‘di ba, parang malayo ang sinasabing numero. At ito, palagay ko mas marami ang nakakakita na talagang ‘yung pinagtutulakan nating continuity ang siyang dapat talagang habulin ng sambayanan,” ayon pa kay Aquino.

Read more...