PNoy itinangging nagsigawan sila ni Abad

President Noynoy Aquino and Secretary Florencio ' butch' Abad

President Noynoy Aquino and Secretary Florencio ‘ butch’ Abad


ITINANGGI kahapon ni Pangulong Aquino na nagsigawan sila ni Budget Secretary Florencio “Butch” Abad.

“Unang-una, malinaw pa naman ‘yung pandinig namin. ‘Yung Gabinete ini-encourage kong magpalitan ng kanilang opinyon, pero sa pananaw ko wala pa yatang nagsigawan—not with me, but more in particular, even just in my presence,” sabi ni Aquino.

Idinagdag ni Aquino na hindi na dapat itong patulan.

“Pero sa totoo lang, ‘yung ‘nagsigawan kami,’ parang napaka-absurdo yata na nakakawalang-ganang patulan pa ‘yung mga ganyang kuro-kuro, ‘di ba? ‘Yung kuwentong kutsero nagkakaroon nagkakaroon ng saysay ‘pag sinagot pa natin. Kaya pabayaan ko na ‘yung mga kutserong nagsulat niyan na maghanap sila ng paraan nila kung paano sila pansinin,” ayon pa kay Aquino.

Read more...