Alden gaganap na VP Binay? Netizens nagwala

MUKHANG nag-init ata ang ulo ng maraming netizens nang sabihin ni Vice President Jejomar Binay na si Alden Richards ang type niyang bumida sa kanyang pelikula sakaling ipo-produce bilang movie ang kanyang life story.

“Alden as Binay in a biopic? Ito ang walang tamanag panahon,” ayon sa Twitter user na si ArnoldPadilla matapos mabalitaan na gusto ni Binay na si Alden ang gusto niyang gumanap na bilang siya sa kanyang film.

Ayon naman kay Kathryn Rose Gustilo (@bebekath00) gusto lang makisakay ni Binay, na tatakbo sa pagkapangulo sa 2016 elections, sa popularidad ni Alden, ang other half ng split-screen love birds na AlDub.

“Hay naku, Binay. Nakikisawsaw ka lang sa kasikatan ni Alden ngayon. Pwede ba, humanap ka na lang ng iba na gaganap, tse!” ayon kay Gustilo.

“’Wag niyo pong gamitin si Alden para sa publicity n’yo, VP Binay,” sigaw naman ni Cristina Serrano (@crstnasrno24).

Binakbakan din ng mga AlDub fans si Binay na hindi anya maaaring ikumpara ni Binay kay Alden dahil sa kanyang kulay.

“Maputi daw kasi si Binay dati, kaya si Alden ang kukunin niya. Walang masamang mangarap,” pahayag naman ni Mark Joshua Pineda (@Geekrology).

“Alden to play as Binay in a biopic is ridiculous! It isn’t about the skin color, more than that, Alden’s good image will be tarnished,” sabi naman ni @ClosetAldubFan.

Nanawagan din ang mga followers ni Alden na huwag na huwag tatanggapin ang alok ni Binay sakaling ialok sa kanya ang role.

“Don’t do it Alden, for the country. Pero seryoso, matalino nga si Binay naiisip niya ‘to kung gagawing totoo,” tweet naman ni  @hetsked.

“It will be a wrong for Alden’s camp if they will agree to do the Binay movie. Que horror!” sabi naman ni @mudranilukelana.

 

Read more...