Umaasa sa SSS pension | Bandera

Umaasa sa SSS pension

Liza Soriano - September 23, 2015 - 01:06 PM

DEAR Aksyon Line,

Bago ang lahat sana’y nasa mabuti ka-yong kalagayan. Sumulat ako sa inyo dahil sa aking SSS.

Nag-claim ako noong 2012 dahil 60 na ang edad ko. Na-compute na po ang aking papers pero hanggang ngayon ay wala pang resulta.

Sana ay matulungan ninyo ako para naman matikman ko ang matagal kong pinaghirapan. Sana ay bigyang pansin ninyo po ito, ma’am.

Gumagalang,
Tarcisio Maarat
General del Pilar St.
South Cembo,
Makati City
REPLY: Base sa aming record, lumalabas na nakuha o naipadala na kay Ginoong Maarat ang kanyang claims dahil nai-lumpsum na niya ito.

Lumalabas din na 13 months lamang ang kanyang contributions na kulang ng 107 contributions para sa minimum contributions para makatanggap ng buwanang pension.

Mangangailangan pa ng siyam na taon na kontribusyon sakaling ipagpatuloy ang paghuhulog para mapunan ang minimum na kontribusyon.

Sakali naman na hindi natanggap ang tseke ay maari naman na mag file ng claim sa SSS.

Kung may mga pinanghahawakan naman na dokumento para sa inyong pension ay maaari itong dalhin sa pinakamalapit na
sangay ng SSS.

Ms. Lilibeth Suralvo
Senior Officer
Media Affairs
Department
Social Security
System
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending