‘Sinuman ang kumalaban sa AlDub, tiyak na pupulutin sa kangkungan!’

yaya dub

Madaling humabol kung maliit lang ang distansiya. Pero kapag milya-milya na, kahit sino’y mahihirapan, lalo na kung dinidikitan mo lang naman ang orihinal.

Ganu’n ang opinyon ng mas nakararami nating kababayan sa matinding kasikatan ngayon ng AlDub. Inaabangan ang kalyeserye ng Eat Bulaga nang dahil sa kanila, ganu’n din sa kakaibang komedyang ibinibigay nina Wally Bayola at Jose Manalo at ni Paolo Ballesteros, hindi kumpleto ang pananghalian ngayon ng mga Pinoy nang hindi natitikman ang masarap na recipe ng noontime show.

Habang maligayang-maligaya ang mga tagasuporta nina Alden Richards at Yaya Dub, ang AlDub World (hindi na AlDub Nation dahil tumawid na sa iba-ibang bansa ang kanilang kasikatan), ay hindi naman malaman ng katunggali nilang show sa tanghali kung ano ang kanilang gagawin, kasi nga ay ngangang-nganga na ang kanilang rating.

Puro pagdikit na lang tuloy sa kanilang mga segments ang ginagawa ng show, pero ayaw pa ring kagatin ng ating mga kababayan, lagi namang ang orihinal ang tinatangkilik ng mga Pinoy.

Panahon ngayon ng AlDub. Ng kalyeserye. Sinuman ang kumalaban sa kanila ngayon ay siguradong pupulutin sa kangkungan lalo na kung nanggagaya lang naman.

Lalo na ngayon, may pahimakas na ng boses ni Maine Mendoza, di lalo na! Kung nu’n ngang “pipi” si Yaya Dub ay nagdedeliryo na ang buong bayan, paano pa ngayong magsasalita na siya, di panibagong epidemya na naman ito?

Read more...