Sheryl Cruz nanindigan sa pagkontra sa pagtakbo ni Grace Poe

WALANG balak si Sheryl Cruz na sirain o ipahiya ang kanyang pinsan na si Sen. Grace Poe matapos nga itong kumontra sa pagtakbong pangulo ng senadora sa darating na 2016 elections.

Ayon kay Sheryl, ang binitiwang salita ay kanyang opinyon bilang isang Pilipino, at naniniwala siya na ang ipaalam sa publiko ang tunay na nangyari at kanyang saloobin tungkol sa isyu ay responsibilidad niya bilang isang botante.

“Hindi ko planong gumawa ng eksena o maging center of attraction, nagsalita ako dahil may obligasyon din ako bilang isang Pilipino, bilang isang botante at taxpayer naniniwala ako na hindi pa ito ang tamang panahon para tumakbo siya, sinabi ko lang naman kung ano ang nararamdaman ko, masama ba ‘yun?” sabi ni Sheryl nang makorner ng press Martes ng gabi sa Manila Hotel matapos ang press con para sa pelikulang “Felix Manalo”.
“It’s just too soon for her. Mas maganda sana kung gumawa pa siya ng mas maraming batas as a senator, then maybe sa 2022 presidential elections, pwedeng-pwede na siya. Kasi, like what I said, politics na ito, hindi na showbiz. It’s more complicated, dirtier. Opinyon ko to, at bihira lang akong magsalita,” sey pa ni Sheryl.
Hindi kaya masamain ito ni Susan Roces? “I don’t think she will misinterpret this, my aunt always respect our opinions, we may have different opinions but at the end of the day, pamilya pa rin kami, e. Blood will always be thicker than water.”
“Mahal ko ang pinsan ko. ‘Wag nyo kuwestiyunin ang pagmamahal ko sa kanya. I supported my cousin during her senatorial candidacy. Halos ako ang pumunta sa buong Pilipinas para irepresent siya. Kung hindi ako naniniwala sa kakayahan niya bakit ko gagawin iyon,” aniya pa.
Sinabi pa ni Sheryl na nag-resign na ang kanyang manager na si Rams David dahil nakakatanggap daw ito ng harassment matapos siyang magsalita kamakailan.

Read more...