HINDI tatakbo sa pagkapangulo si Senador Chiz Escudero sakaling ma-disqualify ang katandem na si Senador Grace Poe.
Kumpiyansa si Escudero na malalampasan ni Poe ang kinakaharap nitong disqualification case kung saan kinukuwestyon ang kanyang pagiging natural born Filipino sa Senate Electoral Tribunal.
Natanong si Escudero kung ano ang plano nito sakaling madiskuwalipika si Poe sa pagtakbo sa pagkapangulo sa 2016 elections.
“I’m confident that she will not be disqualified; that she will be allowed to run and at the end of the day, the people will decide on this issue,” ani Escudero.
Sa ilalim ng batas ay hindi rin umano posible na mag-substitute sa ibang kandidato ang nakapaghain na ang certificate of candidacy.
Wala rin umanong plano si Escudero at Poe na sumama sa partido pulitikal sa kanilang pagtakbo.
“We have no plans of joining any party. What I mentioned in my declaration speech na ang partido namin ay Pilipinas at ang partido namin Pilipino. That is an ideology that is a principle,” dagdag pa ng senador.
Sinabi ni Escudero na posibleng tumakbo ng walang partido gaya ni dating Pangulong Cory Aquino.
MOST READ
LATEST STORIES