Ryan Christopher type na type sina Kim at Yeng

ryan christopher

In fairness, pwedeng-pwedeng maging matinee idol ang baguhang singer na si Ryan Christopher. Bukod sa maganda ang boses, waging-wagi rin ang kanyang itsura at porma.

Sa presscon ng kanyang self-titled debut album under Ivory Records, inamin ni Ryan na kung bibigyan siya ng chance, pwede rin naman daw niyang subukan ang acting, pero aniya, kailangang paghandaan daw muna niya ito.

Ayon kay Ryan, wala sa plano niya ang maging singer o composer, “Nu’ng high school pa ako hindi ko akalain na magiging musikero pala ako. Nu’ng nandoon ako sa UK, ano ako, accountant. I got to meet so many people. I met Justin Bieber, Drake, Toni Braxton. ‘Hi, puwede ba magpa-picture.’

“Then I met some produ-cers. I played for them tapos naging session player na rin ako sa recording studio. When artists came, I play the keyboards,” ani Ryan na matagal ding nag-stay sa United Kingdom bago nagtungo sa Los Angeles para ipagpatuloy nga ang kanyang pagiging musician.

At dito na nga niya pinagyaman ang kanyang pagsulat ng kanta. “Pagdating ko ng LA, I started doing music. I actually released two albums. I wrote for TV shows, commercials. I did scoring for TV shows, small budget TV shows, bigger budget TV shows.

Doon sa recording studio ko na-realize na music talaga ang gusto ko,” kuwento pa ng binata.
Matapos ang ilang taon, bumalik sa Pilipinas si Ryan para magbakasyon at dito na nga siya na-discover ng talent managers na sina Carlo Orosa at Audie Gemora ng Stages, “Career and family ang reasons ko for getting back here, and I’m super lucky dahil nabigyan ako ng chance to record an album here,” sey ni Ryan.

Ilan sa mga local artists natin na nagsilbing inspirasyon kay Ryan sa pagiging musikero ay ang Parokya ni Edgar, Eraserhads at Rivermaya, “I have their albums, ‘yung older, older pa kahit Christmas albums.”

Hinahangaan din niya sina Kim Chiu at Yeng Constantino – cute na cute siya kay Kim habang bilib naman siya sa galing ni Yeng as a musician, “Magaling siyang songwriter saka ang mga music videos niya are so cute, you know what I mean? Yung mga aura ng artistant Pinay, musikerong Pinay, it draws you to…one of my first crushes is Aicelle Santos because she’s got a voice. Oh, man, hindi ko na kaya…like it’s too much!”

Available na sa mga record bars ang self-titled album ni Ryan at pwede na rin itong ma-download (digital format) sa iTunes, Spotify, Guvera, Deezer, Rdio, Amazon Music at Spinnr.ph.

May anim na original songs sa album ni Ryan kabilang ang “Lovelight,” “So I Guess,” “Hey You,” “Mr. Sun,” “Little Lies” at “Dreams”. –Djan Magbanua, Ervin Santiago

Read more...