Kasalang Rocco-Lovi joke lang | Bandera

Kasalang Rocco-Lovi joke lang

Djan Magbanua, Ervin Santiago - September 23, 2015 - 02:00 AM

lovi poe

DUMALAW kami sa taping kamakailan ng GMA Telebabad series na Beautiful Strangers. Ang kinukunang eksena nu’ng mga oras na ‘yun ay ang wedding scene ni Lovi Poe.

Pinansin ng ilang kasamahang entertainment writers na sa tuwing pinupuntahan ng mga ito sa taping o shooting ay palagi na lang itong ikinakasal. Kaya naman natanong agad siya kung na-e-excite na rin siyang maikasal sila ni Rocco Nacino.

“Wala, wala kong napi-feel!” ang natatawang sagot ng Kapuso actress. Humirit naman ang isa pang reporter na nasabi raw ni Rocco sa isang interview na napag-uusapan na raw nila ang wedding, “Ha-hahaha! Hindi ah! Siguro nagdyo-joke lang yun! Pero, hindi ko type yung joke niya.

Ha-hahahahaha! Pero joke-joke lang ‘yun, naglolokohan lang!” sagot ni Lovi na halatang namula.
Hindi pa raw talaga makita ni Lovi ang sarili niyang ikinakasal, “Wala akong ideal date, ideal age. Only an ideal man. Naks!”

Kagagaling lang nina Lovi at Rocco sa Japan, sinamahan niya roon ang boyfriend para sa isang jujitsu competition, at naka-schedule uli silang umalis ng bansa sa darating na November.

Ayon kay Lovi balak nila ni Rocco along with her mom and her sister na pumunta ng Europe pagkatapos ng taping nila sa Beautiful Strangers, doon nila ipagdiriwang ang kaarawan ng kanyang ina.

“October yung 50th birthday niya (her mom) kaso may soap pa, so sabi ko, ‘Mom what do you want? Your wish is my command!’ Tapos sabi niya gusto nga niya magtravel together kasi ang tagal na nga mula nu’ng last time sabi ko naman, okey,” pahayag pa ng aktres.

Tungkol naman sa kanyang boyfriend at katrabaho sa Beautiful Strangers na si Rocco, wala talagang masabi si Lovi sa ugali nito, napakabait at paka-patient daw ng binata, “Minsan kasi may mga dates na ah, you know typical na babae tapos siya pinagtatawanan lang niya ‘ko pag nagta-tantrums ako,” sey ng dalaga.

Speaking of Beautiful Strangers, sobrang happy and thankful si Lovi dahil patuloy itong humahataw sa ratings game. Aniya, ang gagaling daw talaga ng kanilang mga writer dahil sa nabuo nilang matin-ding twist sa kuwento, ang isa nga rito ay magaganap sa kinunan nilang wedding scene.

Abangan ang pagiging mas strong pa ng karakter ni Lovi sa serye na halos papantay sa pagiging fighter ng karakter ng best friend niyang si Heart Evangelista.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending