Aiza tsinugi sa ASAP dahil sa kasikatan ng AlDub

aiza seguerra

Inamin ni Aiza Seguerra na tulad ng normal couples, nagkakaroon din sila ng away at tampuhan ng kanyang “misis” na si Liza Diño.

Sa presscon ng bago niyang teleserye sa GMA 7, ang Princess In The Palace starring Ryzza Mae Dizon and Eula Valdes, na nagsimula na kahapon bago mag-Eat Bulaga, sinabi ni Aiza na may mga pinagdaraanan din sila ni Liza bilang mag-asawa.

“Oo naman, meron din. Pero ang cute ng away namin. Sa totoo lang, ako, cute na cute sa away namin,” natawang chika ni Aiza. “Parang gusto ko yung style ng away namin. Nakikita ko yung other couple how they fight, parang ayaw ko how they fight.

“I love how Liza and I fight, we argue. Pareho pa kaming maprinsipyo, pareho pa kaming artista. Napagtatalunan namin yung mga proseso sa pag-arte since very passionate kami sa ginagawa namin. May pinag-aawayan din ka-ming mga normal.

“Nakakatuwa lang na we really push each other to talk…ang selos pala, may pinag-uugatan ‘yan na something. Kunwari, nagselos siya, ‘Sino na naman ‘yan?’ Akala mo, nagselos siya dahil sa text.

Pero hangga’t hindi namin nahuhuli kung ano ang pinag-ugatan ng naramdaman namin, talagang matiyaga kami riyan. “Grabe, instinct pa lang, alam na namin we really have to fix it kasi gusto namin masaya kami.

Ang selos namin, parang pabebe,” paliwanag pa ng singer-actress. Kung matatandaan, ikinasal sina Aiza at Liza noong December, 2014. Ayon kay Aiza, sa loob ng halos siyam na buwan ng pagsasama nila sa isang bubong, marami pa silang nadi-discover sa isa’t isa.

“We’re doing good, kakalipat lang namin ng house, medyo puro D.I.Y. (Do It Yourself). Parang D.I.Y. couple na yata kami. In fairness ha, ang gaganda, buti na lang pareho kami ni Liza ng taste. Hindi kami yung mga magagarbo, gusto namin yung mas mura, mas maganda.

“Like nakakita kami sa Internet, mga shelf namin, gawa sa G.I. pipes. Bumili lang kami ng mga gamit na kahoy, ang ganda ng mga kinalabasan. O kaya may nakita kaming design, papagaya lang namin sa karpintero…pinag-aaralan pa namin kung ano magandang varnish,” ani Aiza.

Ayon pa sa dating child wonder, napakasaya ng pakiramdam kapag magkasama sila ni Liza na nag-e-effort sa pagpapaganda ng kanilang bahay, “Nakikita namin ang wall namin ngayon, pinaghirapan natin ‘to, idea natin ‘tong lumabas.

At saka parang na-inspire rin kami dahil nung wedding namin, parang D.I.Y. wedding din kami.
“Halos lahat ng stuff, kami yung umano, lumabas kung ano gusto namin. Lalabas kung ano ang gusto mo if you do it yourself,” chika pa ni Aiza.

Samantala, feeling naman ni Aiza, pinag-leave muna siya ng ABS-CBN sa ASAP20 dahil sa tagumpay ng AlDub loveteam sa kalyeserye ng ABS-CBN.

Hindi muna siya mapapanood sa nasabing Sunday show ng Dos habang ginagawa niya sa Princess In The Palace sa GMA na mula sa produksiyon ng TAPE Inc, na siyang producer ng Eat Bulaga.

Maluwag naman daw tinanggap ni Aiza sa kanyang dibdib ang naging desisyon ABS, “I have friends sa kanila. Kumbaga, at the end of the day, it’s also work.

I understand, no hard feelings, and I respect the decision. “I just thought it’s not gonna be like that, dahil nga di naman direct competition, e. Parang it’s a different ano…with what’s happening now, you don’t know how they think, e.

That’s how it is, alam naman natin na hanggang ngayon may network thing pa rin. Especially, I think with the AlDub issue, medyo fierce ngayon. So, I think, they are just protecting themselves,” chika pa ni Aiza.

Read more...