‘Heneral Luna’ biglang ibinalik sa mga sinehan

john arcilla

MINSAN nalulungkot tayo tuwing nakakarinig tayo ng magagandang pelikulang nagsu-showing na hindi gaanong pinapasok ng tao pero meron din tayong nababalitaang super click ang ilang local films natin kahit hindi star-studded pero maganda ang material.

Tulad nitong latest na nagti-trending amongst movie aficionados – ang “Heneral Luna” starring John Arcilla, Mon Confiado, Alex Medina at marami pang ibang malalaking artista, na talagang di-nudumog daw sa mga sinehan dahil sobrang ganda raw ng pagka-execute ni Direk Jerold Tarog.

A movie scribe friend of mine shared with me na puno raw ang sinehang pinanooran niya nito. Hindi man kasing box-office ng mga Daniel Padilla-Kathryn Bernardo movies pero definitely ay tinangkilik ito ng mga kababayan natin.

Kasi nga raw, napakaganda ng pagkagawa – superb ang acting ng cast members at ang husay raw ng direktor. Kahit historical ang film hindi raw ito boring. Very e-ducational pa. Malinaw raw ang conflicts sa said film kaya nagustuhan ng mga manonood.

“Naku Jobs, huwag mong palampasin. Napakatino ng movie,” ani Direk Frank Rivera na matagal nang kilala as a movie critic. Sayang nga lang at nagbibisi-bisihan pa ako lately.

I really should find time para panoorin ito. Bihira lang tayo nagkakaroon ng matinong obra sa pinilakang-tabing kaya hindi ko nga dapat palagpasin ito. Hindi ko mapapatawa ang sarili ko kung hindi ko ito mapapanood.

Kung hindi man ako umabot sa sinehan, pagtitiyagaan ko ito sa DVD. Meron na bang kopya sa DVD? Pero iba pa rin ang panonood sa big screen. Hahabol na lang ako. May chance pa naman yata, di ba? Kaloka!

Read more...