Taiwanese superstar na-curious na rin kina Alden at Yaya Dub

san chai

Patuloy na dumarami ang bilang ng mga foreigners na naku-curious sa kasikatan ng AlDub tandem. Ang latest na “nabiktima” nina Alden Richards at Maine Mendoza ay ang Taiwanese actress na si Barbie Xu na mas nakilala sa Pilipinas bilang si Shan Cai.

As expected, nag-top tren-ding topic na naman ang pinakahuling episode ng kalyeserye ng Eat Bulaga na may hashtag na #AlDubTheTrials.

At dahil araw-araw ngang nag-iingay sa social media ang milyun-milyong AlDub fans, pati ang Meteor Garden star ay nagtanong na sa kanyang followers about AlDub.

Tanong nito sa Twitter, “What is Aldub it’s trending e-veryday?” Na sinagot naman agad ng ilang Pinoy.
Tugon naman ng Taiwanese superstar, “I thought its a pet. @itsbarbiexu!”

Read more...