Barbie Xu ng ‘Meteor Garden’ nagulat din sa Aldub, akala isang pet

DAHIL halos araw-araw ay trending worldwide at umaabot ng milyon ang tweet ng AlDub, ang love team nina Alden Richards at Maine Mendoza, ilang kilalang personalidad ang patuloy na naku-curious dito.

Ang pinakahuli ay ito ngang si Barbie Xu o mas kilala ng Philippine television viewers na Shan Cai sa Taiwanese teledrama na “Meteor Garden”.

Nagulat na lamang si Barbie kung bakit halos araw-araw ay milyong tweets ang nakukuha ng split-screen lovers ng AlDub.

Sa tweet nito sa kanyang official Twitter account nitong Lunes, tanong nito: “What is Aldub it’s trending everyday?”

Mabilis pa sa alas-kwatro ang sagot ng mga fans sa tanong ni Barbie.  Anila, ang AlDub ay isa  “phenomenal” loveteam sa Pilipinas.

Umabot sa halos 2,000 ang nag-retweet ng tweet ni barbie.

Ayon sa Taiwanese actress akala niya ay isang pet ang AlDub.

“I thought its a pet,” tweet pa niya.

Nitong Sabado, muling winasak ng AlDub ang Twitter record nang makakuha ito ng 12 milyon tweet kaugnay sa kauna-unahang date ng love team.

Read more...