Pastillas Girl sinagip sa ratings game ang Showtime, nakabawi na

pastillas girl

Umangat na ang ratings ng It’s Showtime dahil sa Pastillas Girl (Angelica Yap) segment nila. It may not be as hot as the AlDub ng Eat Bulaga pero definitely nakatulong ito kahit paano.

Iyon nga lang, hindi ko masyadong feel si Pastilla’s Girl kasi nagmumura siya sa video. Minus the pagmumura, oks na sana eh. “Nag-apologize na siya sa pagmumura niya, di ba? Hindi mo ba napanood sa isang link sa FB?” tanong sa akin ng isang friend.

Nakita ko rin yung sinasabi nilang link na nag-sorry si Pastillas Girl sa pagmumura niya. Pero hindi ko naman narinig mismo sa bibig ni Pastillas Girl na nanghihingi siya ng sorry, ang napanood ko lang ay ang naka-mute na mura niya sa isang video.

Pero makikita mo pa rin sa buka ng bibig niya ang mga vulgar words kahit naka-mute pa. Para sa akin, isang big NO pa rin iyon. I may not be an AlDub fan dahil bihira nga akong nakakanood ng TV pero mas gugustuhin ko na lang sila more than Pastillas Girl kung hindi ko marinig mismo sa bibig niya ang panghihingi ng sorry. Promise!

Alam niyo naman ako, kahit liberated ako sa mga papanaw ko sa buhay, ayoko talaga ng babaeng kasing-bata pa niya na nagmumura. It really sounds bad, agree?

Read more...