Kalat na: Jm nagmura sa taping; pati Direktor ng serye sinigawan

jm guzman

There’s a rumor na naninigaw at nagmumura na raw itong si JM de Guzman sa set ng kanyang bagong teleserye. Nasulat na nag-iinit daw ang ulo ng binata kapag ginigi-sing siya sa set dahil kukunan na ang kanyang eksena.

Apparently, hindi lang ang production assistant ng programa ang kanyang sinigawan, maging ang mismong director daw ay nakatikim ng paninigaw sa kanya kaya naman nag-report na ito sa management.

True ba ang lahat ng ito, JM? Tila nasa self-destruction mode na naman itong si JM. Parang wala na siyang pakialam sa kanyang career gayong kakabalik lang niya sa eksena after mawala ng ilang buwan because of his rehabilitation.

It didn’t help that he broke up with his girlfriend Jessy Mendiola. Although they were very happy during their reconciliation, nauwi rin sa hiwalayan ang dalawa.

What’s even sadder is that JM seems bent on self-destructing. Grabe ang mga issues sa kanya ngayon – most of them about unprofessionalism.

Masagot kaya ni JM ang lahat ng issues na ibinabato sa kanya? Sa totoo lang, nalulungkot kami para kay JM, nabigyan na siya ng second chance sa ABS-CBN matapos siyang magpa-rehab dahil sa pagkalulong sa droga.

Read more...