Personal na aapir ang Pop Princess na si Sarah Geronimo sa Araneta Coliseum ticket booth sa darating na Oct. 1 para personal na makitsika sa fans na bibili ng tickets para sa kanyang “From The Top” concert.
Gaganapin sa Dec. 4 ang next major concert ni Sarah kaya ngayon pa lang ay todo promote na ang singer-actress para mas maraming makapanood nito.
Yes, nasa ticket booth ng Araneta ang Pop Royalty from 4 p.m. to 6 p.m. sa Oct. 1 para mabigyan ng chance ang kanyang fans na makita siya up close and personal.
Ang “From The Top” ang 8th major concert ni Sarah sa Big Dome. Si Paolo Valenciano ang magdidirek habang si Louie Ocampo ang magsisilbing musical director.
Available na ang ticket simula Oct. 1 sa lahat ng Ticketnet outlets (911-5555). Anyway, ngayon pa lang ay pinaghahandaan na si Sarah ang mga panibagong pasabog sa concert na laging unforgetable sa mga nanonood.
Sabik na ang maraming fans dahil “Perfect 10” pa ang huling major concert niya sa Araneta at MOA Arena ng magkasunod lang. Siya lang ang singer na nakapuno ng dalawang venue nang magkasunod na performance.
Samantala, isa na namang pagkilala ang ibinigay kay Sarah bilang pinakabatang movie queen sa local entertainment industry.
Isa siya sa anim na aktres na binigyan ng Iconic Movie Queens of Philippine Cinema award sa nakaraang FAMAS Awards 2015. Ang limang iba pa ay sina Dawn Zulueta, Maricel Soriano, Nora Aunor, Susan Roces, at Gloria Romero.
At bilang tribute sa anim na Iconic Movie Queens of Philippine Cinema, kinantahan sila nina Kuh Ledesma at Esang De Torres, isa sa finalist sa kata-tapos lang na The Voice Kids Season 2.