Ang anak ba ng amo ang makakatuluyan? (2)

Sulat mula kay Joanne ng San Isidro, Matalom, Leyte

Problema:
1. Ako ay 20 years old na sa darating na September 29, two years na akong naninilbihan bilang kasambahay o katulong dito sa mga amo ko. Ang problema nagkagusto sa akin ang anak ng amo ko na 25 yeras old naman ang edad. At dahil mabait siya sa akin at siya ang madalas na nakakakuwentuhan at nakakasama ko sa bahay, na-develop na rin ako sa kanya at napamahal. Ang problema bagamat nagmamahalan kaming dalawa ay tutol sa pag-iibigan naming ito ang mga magulang nya.

2. Kaya sabi nya sa akin ay mag-ingat na lang daw kami, at ilihim daw ang relasyon namin hanggang kaya pa naming ilihim. Kaya lang kahit inililihim na nga namin ito sa pakiramdam ko alam na rin ito ng magulang nya kaya balak ko ng  umalis sa bahay na ito, para wag ng lumaki pa ang kaguluhang ginawa namin. Ano ba ang dapat kong gawin, sabi naman ng boyfriend ko  kapag  daw ako umalis sa bahay nila magkikita pa din naman daw kami. Itatanong ko lang kung kami na ba ang magkakatuluyan at compatible ba kami? September 29, 1995 ang birthday ko at January 16, 1990 naman ang birthday ng boyfriend ko.
Umaasa,
Joanne ng Leyte Solusyon/Analysis:
Astrology:     
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ay sadyang hindi naman compatible sa zodiac  sign na Capricorn ng boyfriend mo. Ibig sabihin, kung sakali mang magpatuloy pa ng konting panahon ang inyong relasyon sa bandang huli ay malabo at hindi nga kayo magkakatuluyan. Kaya para wag kang masaktan ngayon palang mas okey kung iiwasan mo na ang boyfriend mo.
Numerology:     
Bagamat compatible ang birth date mong 29 sa birth date na 16 ng boyfriend mo, sa bandang huli ang zodiac sign pa rin ang mananaig. Ibig sabihin, bagamat masaya at okey naman sana ang relasyon nyo ngayon, pero dahil nga hindi kayong gaanong compatible sa zodiac sign o astrology tulad ng nasabi na, sa bandang huli magkakahiwalay din kayo.
Luscher Color Test:  

Sa sandaling nagka-break na kayo ng boyfriend mo, ang palatandaan ng next boyfriend mo na magpapaligaya na sa iyo at makakasama mo sa pang habang buhay ay naka-suot ng damit na kulay berde o kaya’y asul. Kapag may dumating na sa iyong lalaki na ganyan ang kulay ng damit na suot, tulad ng nasabi na, sa nasabing ikalawang pag-ibig habang buhay ka ng liligaya.
Huling payo at paalala:  

Joanne ayon sa iyong kapalaran bago ka lubusang mapalautan o mapasubo sa kasalukuyan mong boyfriend, mas mainam kung unti-unti mo na siyang kakalimutan at lalayuan. At pagkatapos hintayin mo na lang ang pagdating ng ikalawang lalaking magiging boyfriend mo na inilarawan na sa itaas, na nagtataglay ng initial na R.A. ang lalaki na ngang ito ang mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.

Read more...