Pauleen super busy na sa kasal nila ni Bossing

vic sotto

TULOY na tuloy na nga ang kasalang Pauleen Luna at Vic Sotto. Ngayon pa lang ay excited na si Poleng sa gagawin nilang preparasyon para sa wedding nila ni Bossing.

Sa kanyang Instagram account, ipinakita ng TV host-actress ang pakikipag-meeting niya sa magiging wedding coordinator nila ni Vic, ang Rita Neri Events Planners.

Nilagyan niya ito ng caption na: “Met with our wedding coordinator for the first time. Thank you@rnepevents! Looking forward to our next meeting.”

Ang grupo rin ni Rita Neri ang naging coordinator sa kasal nina Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano. Ngunit hanggang ngayon ay wala pang ibinibigay na detalye sina Vic at Poleng tungkol sa kanilang kasal, partikular na ang date at venue ng wedding.

Samantala, bago ito, ipinost ni Pauleen sa kanyang IG account ang isang litrato kung saan makikitang abala si Vic sa pagpindot ng kanyang cellphone. Ito’y may caption na: “My busy visitor. Planning, planning, planning…!”

Sinundan pa ito ng isang picture ng regalo mula sa manager ni Pauleen na si Lolit. Sey ni Poleng, “Early Christmas present from my funny manager.”

Pati ang dedication sa card na nakadikit sa gift ni Manay Lolit ay ibinahagi rin ni Pauleen sa kanyang followers: “Ms. Pauleen Sotto, Bongga! Winner ka. Happy 2016. Luv you ‘nak.”

Matatandang kinumpirma ni Vic ang kanyang engagement kay Pauleen kamakailan. Pero nakiusap ito na ibalato muna sa kanila ni Poleng ang mga detalye tungkol sa wedding.

Nangako naman si Bossing na ise-share rin nila sa lahat ng dabarkads sa buong mundo ang magiging kaganapan sa kanilang kasal.

Read more...