Kathryn inokray ng dating kaibigan sa Goin’ Bulilit

kathryn berardo

SI Kathryn Bernardo pala ang pinatamaan ni Miles Ocampo nang sumagot siya sa tweet ng anak ni direk Bobot Mortiz na si Badjie.

“Ang TunayNaKaibigan hindi ka iiwan ng walang dahilan.” ‘Yan ang pasaring ni Miles sa screen partner ni Daniel Padilla. Nag-tweet si direk Bobot ng, “First time kong umattend ng Star Magic ball ang saya, natutuwa ako nakita kong lahat ang mga bulilit kids ko dati.

Mga super sikat na sila, lahat lumapit at bumeso sa akin, isa lang ang hindi, pag sumikat ako di rin kita lalapitan.. Hehe.” Later on, ibinuking ng anak ni direk Bobot na si Kathryn nga ang nang-isnab sa father niya.

Dating mag-best friends sina Kathryn at Miles during Goin’ Bulilit days hanggang sa sila ay nagdalaga. Nang sumikat si Kathryn ay tila iniwan na rin niya si Miles kaya siguro sumama ang loob nito.

Read more...