Bagyo papasok sa Miyerkules

pagasa
Isang bagyo ang posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility sa Miyerkules.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration mayroong high pressure area sa itaas ng bansa kaya hindi mabilis na makaakyat ang bagyo.
Kung hindi magbabago ng direksyon ang bagyo ay tatawaging Jenny.
Ang tropical depression ay nasa layong 2,400 kilometro sa silangan ng bansa. Malaki rin ang posibilidad na lumakas pa ang bagyo habang dumaraan sa karagatan papalapit sa PAR.

Read more...