Jackpot ng ultra lotto aabot ng P210M sa Biyernes

lotto for site
Inaasahang aabot sa P210 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa Biyernes.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang tumaya sa mga lumabas na numerong 11-43-04-09-13-30 sa bola noong Linggo.
Umabot sa P204.3 milyon ang jackpot prize noong Linggo. Nagkakahalaga naman ng P27.5 milyon ang halaga ng itinaya sa naturang bola.
Nanalo naman ng tig-P65,630 ang 21 mananaya na nakakuha ng lima sa anim na numerong lumabas. Tig-P790 naman ang napanalunan ng 1,389 mananaya na naka-apat na numero at balik-taya (P20) ang 25,270 mananaya na nakatatlong numero.
Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Biyernes at Linggo. Nagkakahalaga ng P20 ang taya sa bawat anim na numerong kumbinasyon.

Read more...