NAKAKATUWA naman ang takbo ng participation ng anak-anakan nating si Michael Pangilinan sa toprated musical transformation show ng ABS-CBN na Your Face Sounds Familiar dahil on its second week, umangat nang husto ang kaniyang puwesto.
Imagine, nasa-bottom sila ni KZ Tandingan last week with 5 points each and sa se-cond week ay biglang angat si Michael to 2nd place. Galing niya ha, as he impersonated Janno Gibbs.
Galing na mismo sa mga members ng jury na sina Gary V, Jed Madela and Ms. Sharon Cuneta ang napakagagandang comments like “close to perfection” daw ang performance ni Michael.
Sobrang nakaka-flatter talaga.”Nakakatawa ‘Nay kasi nag-message sa IG si Tito Janno Gibbs dahil napanood nga raw niya ang performance ko.
Tuwang-tuwa daw siya pero ang hindi lang daw niya nagustuhan ay ang pagtawag ko sa kaniya ng Tito. Ha-hahaha! Yes, I told Tito Janno na siya talaga ang sobrang idol ko and one of my influences sa R&B.
Siyempre, coming from bottom the week before, grabe ang pressure na naramdaman ko that second week performance ko. “Kasi nga, parang nakakahiya namang mapako ako doon sa bottom kaya I just tried to do better.
And thank God at umakyat naman tayo kahit paano. Hindi kasi ganoon kadali – you wouldn’t know na aangat ka dahil lahat ng co-artists ko ay ang huhusay. Tsambahan din kasi kung sino ang icon na mapipili mo the week after.
“Kasi nga, iba pa rin yung mapindot mo ang icon na comfortable ka sa material niya. Meron kasing mga icon na mahirap gayahin. Meron naman akala mo madali pero pag nasa stage ka na, meron pang di-hamak na mas magaling sa iyo.
Kaya ako, I just pray na gabayan ako ni God in every performance. I leave it all up to Him,” ani Michael na sobrang husay na talagang mag-perform kahit saan.
“Magaling talaga si Michael, ‘Nay. Galing niyang humawak ng audience. Star na star na talaga ang dating niya sa stage. Pagtayong-pagtayo pa lang niya sa entablado, naka-capture na niya ang audience.
Pag nagsi-mula na siyang kumanta, wasak na silang lahat dahil ang ganda ng boses. Kahit lalaki ako sobrang taas ng paghanga ko sa kaniya.
Matindi ang charisma niya sa tao – he has so much control of the audience kaya grabe kung dumugin siya after,” anang isa pa nating anak-anakang si Nikko Seagal, ang last year’s grand winner sa Gandang Lalaki ng It’s Showtime.
“Nakakakilabot ang performance ni Michael as Janno Gibbs the other night. Galing niya. Nakaka-proud sobra,” sabi naman ni Richard Pinlac na kinilig daw when he watched Michael perform. Kilig ng isang tiyahin kumbaga. Ha-hahaha!
“Nakakatuwa ang baby nating si Michael. Naku, pag pumasok iyan sa Top 4 sa YFSF season 2, isasangla ko ang isang property ko pambili lang ng maraming text votes para manalo siya.
Ha-hahaha! He deserves to win because he’s got what it takes to become a winner. Nakakatuwa ang batang iyan. I saw him grow in the music industry kaya dapat lang na siya ang manalo sa huling laban nila,” proudly enthused Tita Emmie Valdez of San Lorenzo Village sa Makati City.
It’s still everyone’s game in Your Face Sounds Familiar. From a manager’s point of view, ang makapasok lang as official contestant/performer sa YFSF is already so much of a blessing to us – winning is just a big bonus.
But of course, Michael has to do better every week. He has to outdo his last performance. In fairness to him, he does his homeworks not just sa YFSF – he always do his best in every show. Kaya masaya talaga ako handling him.
Meron din naman siyang mga kabaliwan as an artist pero manageable naman. Maganda ang puso ng batang ito and aminado ako, he’s such a warrior when he’s onstage na. Iba ang killer instinct niya.
“I just found this world really enticing. Music is my life, if I may say. Kasi nga bata pa lang ako, gusto ko talagang kumanta nang kumanta. Now that God has opened that opportunity to me, siyempre gagawin ko na lahat para nagtagumpay.
And sa awa ng Diyos, nakikita ko naman that people enjoy my performances,” ani Michael. Good luck anak. Since you are doing Nick Jonas this week – galingan mo ha.
Sino si Nick Jonas? Siya ang hunky at super guwapong guy na kumanta ng super-sikat na kantang “Jealous”. Wow! Kung makapag-describe ako parang kilalang-kilala ko si Nick Jonas, ha. Ha-hahaha! Sa totoo lang, sinilip ko lang siya sa YouTube at doon ko lang nabatid ang name niya. Ha-hahaha!