Promise nina James at Nadine: Mas marami pang susunod!

james reid

MAS marami pang aaba-ngang kilig moments sa pagpapatuloy ng trending serye sa Primetime Bida ng ABS-CBN na On The Wings Of Love.

Siniguro nina James Reid at Nadine Lustre na bukod sa first kiss nila sa kuwento last week kailangang abangan ng viewers ang susunod pa nilang mga nakakakilig na eksena.

Sey ni James, “There’s more scenes that we’ve already taken that are much more kilig than what we’ve seen so far. It gets better and better every week.”

Ayon naman kay Nadine, unti-unti nang ipararamdam ng karakter niyang si Leah, ang feelings niya kay Clark (James), “After po nung kiss na ‘yun (sa ulan), doon na nag-start si Leah na mag-open up na ng feelings niya.

Kasi after ng most approved kiss, dineny pa niya (yung feelings niya for Clark) after. Ito na po yata ‘yung start talaga.” May kumalat ding video si Nadine habang tawa nang tawa sa taping ng OTWOL habang kinukunan ang kissing scene nila ni James.

“Kasi every time nag-360-(degree turn) ‘yung camera, natatawa ako kasi nakakatawa ‘yung cameraman tapos ‘yung mga kable. There was also this one time, nung sa wedding, ang laki kasi nung set-up so ang laki ng 360.

Tumatakbo sila so nakakatawa. Always natatawa ako kapag ganun po ang set-up,” ani Nadine. Nang matanong kung ilang beses kinunan ang halikan nila ni James, “We had maybe five different shots and each shot maybe two takes.”

Humataw din sa rating at nag-trending sa social media ang nasabing episode ng OTWOL, kaya abot-langit ang pasasalamat ng JaDine sa kanilang fans,“We owe our fans a lot kasi talagang every night, napapa-trend nila ang ‘OTWOL’ so we are really really happy na ganun po ang suporta nila sa amin,” sey ni Nadine.

Kaya this week, mapapanood naman ng fans ng On The Wings of Love ang Sweetest Night Ever kung saan mayroon uling nakaka-kilig na moment sina James at Nadine sa ulan.

Umeere ang On The Wings of Love tuwing Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Pangako Sa’yo sa ABS-CBN Primetime Bida. Kinumpirma naman nina James at Nadine na makakasama rin sila sa MMFF 2015 entry nina Vice Ganda at Coco Martin.

Sey ni James, “I’m very excited actually. This is our first MMFF entry. We are excited. It’s my first time to work with Coco but it’s not my first time to work with Vice. I’ve seen the script already, it’s so funny.”

Read more...