DAHIL umabot na nga sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang historical moment ng tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub, kaya maging ang ilang kilalang international stars ay na-curious sa kasikatan ng AlDub.
Nakapagtala na naman ng bagong world record ang kalyeserye ng Eat Bulaga matapos makakuha ng mahigit 12 million tweets ang #ALDUBMostAwaitedDate sa Twitter noong Sabado sa loob ng 24 oras.
Sa episode na ito naganap ang unang date nina Alden at Yaya Dub. Winasak nito ang unang record na naitala ng #ALDUBTheAbduction, na nakakuha ng 6.37 million tweets noong September 12.
Dito naganap ang muling pagkikita ng AlDub kung saan nabigyan sila ng chance na magkaharap pero naka-blindfold naman. Pero dito rin nangyari ang “first kiss” ng dalawa sa pamamagitan ng pagsipsip sa isang straw.
Nauna nang nagpasalamat sina Alden at Maine sa AlDub Nation, through their respective social media accounts. Kahit ang dalawa ay hindi makapaniwala na aabot sa 12.1 million ang tweets para sa nasabing episode ng Eat Bulaga.
Kahit nga ang mga kilalang local celebrities ay nag-share rin ng kani-kanilang komento sa Twitter at Instagram tungkol sa naganap na first date ng AlDub. Nanawagan pa nga si BB Gandanghari kay Pangulong Noynoy para masigurong matutuloy na ang se-cond date ng AlDub.
Sabi ni BB, “Dear @noynoyaquino, please implement that long tables all over the country will be banned for the 2nd date of Aldub.”
Kinilig din sa first AlDub date si Miss World 2013 Megan Young na bumilib talaga sa tagumpay nina Alden at Yaya Dub, “Kakaiba talaga kayo! 🙂 iba talaga ang ALDUB â ¤ congrats!!! â ¤ï¸ ï¸ 10M â ¤ï¸ #ALdubMostAwaitedDate!”
At kung hindi pa sapat yan para masabing international stars na rin sina Alden at Maine, mismong ang Ame-rican singer ng AlDub theme song na “God Gave Me You” na si Bryan White na ang nag-comment sa pagi-ging worldwide top trending topic ng #ALDUBMostAwaitedDate.
Ang nasabing kanta rin ang ginamit sa jingle ng telco commercial ng AlDub. Tanong ni Bryan sa kanyang followers sa Twitter, “What is #ALDUB? A wedding?” Na sinagot naman ng fans nina Alden at Maine, ipinaalam ng mga ito sa American singer na sikat na sikat ang kanta niya ngayon sa Pilipinas dahil sa kalyeserye ng Eat Bulaga, “@bryan_white your song GodGavemeyou is very famous in the philippines. And dubsmash by famous ALDUB!” sey ng isang fan.
Ayon naman sa isa pang netizen, “@bryan_white Check this out! God gave Me You is the national anthem now in Manila!!! #ALDUBMaiDenForREAL!” “@bryan_white your song god gave me you us really big in the Philippines.
Try to visit. go to the no. 1 tv show eat bulaga and you’ll see!” sey naman ng isa pang supporter ng AlDub. Matapos magka-idea tungkol sa trending hashtag ng AlDub, agad na ni-retweet ni Bryan ang mga post ng kanyang followers.
May isa pang foreigner mula sa US ang nag-comment ng, “The world is crazy about this AlDub thing! Yay! Cool! OMG! No big deal! HAHA. CTTO #ALDUBMostAwaitedDate.”
Pero alam n’yo ba na kung tutuusin ay mas sikat pa sina Alden at Yaya Dub sa social media kesa sa original singer ng “God Gave Me You” dahil mas marami pa silang Twitter followers kesa kay Bryan.
Kung umabot na sa more than 1 million followers ang AlDub, mahigit 21.8K followers lang si Bryan.