HUWAG ka nang makisawsaw sa politika.
Ito ang mensahe ni 2016 vice presidential candidate Sen. Francis Escudero kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda isang araw makaraang sabihin ng huli na “nakakalito” ang mensahe ng kampa nina Sen Grace Poe at Escudero.
Sa interbyu na umere sa dzBB radio kahapon, sinabi ni Escudero na dapat magbitiw sa pwesto si Lacierda bilang tagapagsalita ni President Aquino kung patuloy itong magsasalita para sa Liberal Party at sa stardard bearer nito na si dating Interior Secretary Mar Roxas.
“Kung nais niya, magbitiw na lamang siya bilang tagapagsalita ng Pangulo at maging bahagi ng campaign team ni Secretary Roxas. Bilang opisyal na tagapagsalita ng Pangulo, hindi naman siguro natatama na idudutdut niya ang kamay niya sa pulitika,” sabi ni Escudero.
Ayon kay Lacierda, magkasalungat ang “Bagong Umaga” slogan nina Poe at Escudero sa kanilang nais na ituloy ang “Daang Matuwid” na isinusulong ng kasalukuyang administrasyon.
“They have shown, for instance, in their jingle ‘Bagong Umaga’ (new day), and yet they claim ‘daang matuwid’ (straight path). So medyo confusing ang message nila. Do you want change or continuity?” ani Lacierda sa panayam naman ng dzRB noong Sabado.
Chiz kay Lacierda: Mag-resign ka na!
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...