Roxas-Robredo halos tapos na

leni Halos plantsado na umano ang tambalang Mar Roxas-Leni Robredo bilang standard bearer ng administrasyon sa 2016 elections.
Sinabi ni Speaker Feliciano Belmonte Jr., bagamat mayroong ibang pangalan na nababangit upang maging running mate ni Roxas malaki na ang posibilidad na si Robredo na ng makapareha nito.
“It looks like Robredo will be the VP candidate,” ani Belmonte.
Naniniwala naman si Quezon City Rep. Alfred Vargas na dapat ay hayaan na mapag-isipang mabuti ni Robredo ang kanyang gagawing desisyon.
“I understand where Cong. Leni is coming from. Having known her personally she is very simple and humble person. Hindi siya pulitiko at hindi siya oportunista,” ani Vargas.
Excited naman si Cavite Rep. Francis Gerald Abaya na ‎ikampanya ang Roxas-Robredo na sinabi niyang isang ‘perfect tandem’.
Positibo naman ang tingin ni Caloocan Rep. Edgar Erice sa hindi pa pagdedesisyon ni Robredo.
“She simply asked for time to reflect and our natural deadline is our national executive council meeting by the end of the month,” ani Erice.
Si Sen. Grace Poe ang unang niligawan ng administrasyon para maging running mate ni Roxas subalit nagdesisyon itong tumakbo sa pagkapangulo.

Read more...