Horoscope, September 21, 2015

Para sa may kaarawan ngayon: Kung magpapatuloy ang pagdadalawang isip, walang pag-unlad at ligayang makakamit. Sa pag-ibig at sa pinansyal, upang umunlad at lumigay ipatupad agad ang anumang balak na unang pumasok sa isipan. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra” Red at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Panahon na upang dagdagan pang lalo ang mga pagsisikap. Maraming magagandang opurtunidad ang darating sa kalagitanaan ng buwang ito ng Setyembre hanggang sa katapusan ng Oktubre. Sa pag-ibig, may isang romantiko at di inaasahang romansang biglang mabubuksan na susundot sa iyong pagnanasa. Mapalad ang 6, 9, 27, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jeva-Om-Jhana-Om.” Green at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— May dumarating namang pera, kaya lang bulaksak ka! Upang umunlad matutong mag-savings. Sa pag-ibig, na sa iyo ang pagkukulang kaya hindi masarap ang romansa – galingan mo naman! Mapalad ang 3, 15, 22, 37, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Blue at beige ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Wag munang bilangin ang sisiw hangga’t hindi pa napipisa ang itlog. Kumilos lang ng kumilos, imbis na mag-kuwenta agad ng kikitain. Sa pag-ibig, hindi dapat hanapan ang kasuyo – ikaw ang mas maraming pagkukulang. Mapalad ang 5, 8, 27, 32, 46 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om.” Pink at lilac ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—May babala ng karamdaman, upang maiwasan, laging kumain ng pagkaing matubig at makatas tulad ng gulay at prutas. Ang mga pagkaing banggit ang magpapalusog at magpapahaba ng iyong buhay. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Beejaa-Avayara-Om.” Green at blue ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Mas madaling yumayaman ang mga Leo kung naka-expose sa lipunan. Sa pag-ibig sa isang political gathering mo matitisod ang iyong true love. Mapalad ang 6, 17, 28, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Devasya-Ravaye-Om.” Yellow at brown ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Kailangan ang sasakyan upang suwertehin sa pinansyal at pag-ibig. Mercury ang ruling planet ng Virgo, kaya sinusuwerte sila kapag nagkaroon ng kahit anong uri ng sasakyan. Kung may sasakyan ka na, powder blue o kaya’y silver at puwede ring white ang kulay. Mapalad ang 5, 14, 23, 28, 36, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Rama-Rama.” .
Libra – (September 23-October 23)— Malapit na ang birthday mo, senyales na dadapo na ang suwerte sa iyong kapalaran. Panatiliin ang pagamit ng kulay na pula upang lalo pang dumami ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 6, 9, 24, 34, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shivoham-Om.” Bukod sa red ang pink ay buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Huwag umasa sa kamag-anak, dahil wala din naman sila. Tama ang pagkukuripot kung pagpapayaman ang layunin. Sa pag-ibig aanhin mo ang salitang “nagmamahalan” kung pareho naman kayong nagugutom. Mapalad ang 7, 17, 26, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Babanam-Om-Kebalam.” Beige at green ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Ang ginagawang pagsasakripisyo sa nga-yon ay may malaking gantimpala ng salapi sa araw ng bukas. Ituloy mo lang ang pagkukuripot! Sa pag-ibig, talagang minsan kailangan kayong magkalayo upang mas lumaki ang inyong kinikita. Mapalad ang 7, 14, 22, 31, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gorocha-Om-Sandapha.” Maroon at gray ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Ngayong nalalapit na ang pasko mas masarap ang feeling kung lagi kang nakangiti. Kung hahaluan ng saya ang bwat pakikipagtransaksyon gagawin mas kikita ka ng malaking halaga. Sa pag-ibig, kahit likas sa iyo ang nakasimangot kailangang ngitian ang minamahal. Mapalad ang 3, 15, 24, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Soda-Om.” Pink at orange ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Ipanatag ang kalooban kahit na malayo ka sa minamahal. Puwede naman kayong mag usap sa internet. Wag ng maghanap ng iba, the best pa rin ang kasuyong nasa ibang bansa lalo na’t malaki-laki din naman ang pinapadala niyang pera. Mapalad ang 6, 9, 28, 34, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Dosya-Gayatri-Om.” Yellow at magenta ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Ituloy ang paglalakbay. Sa malayong pook mas madaling aangat ang kabuhayan. Bago umalis yayain muna ang kasuyo sa isang pribadong lugar doon kayo mag usap at maglambingan. Mapalad ang 5, 14, 23, 38, 41, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Adonai-Om-Elohim.” White at blue ang buenas.

Read more...