Baron kinampihan si Enrique: Huwag n’yo siyang husgahan!

baron geisler

KUNG may isang kakampi si Enrique Gil sa kinasangkutan nitong iskandalo sa loob ng eroplano habang patungong London para sa ASAP20 tour, ‘yan ay walang iba kundi si Baron Geisler.

“I feel for the guy. I think na-misunderstood lang siya ng mga tao. I think may nangyaring kakaiba pa du’n. But I don’t wanna really comment on it,” ayon kay Baron nang makorner ng ilang reporter sa farewell/thanksgiving presscon ng Primetime Bida series na Nathaniel last Thursday.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ilang beses nang nasangkot ang Kapamilya actor dahil sa sobrang paglalasing. Kaya nga naiintindihan niya si Enrique sa pinagdaraanan nito ngayon.

“I totally understand. I’m rooting for him and sana people won’t be quick to judge him because hindi talaga nila alam ang tunay na nangyari. But I know he’s a smart kid, so he’s gonna move on pretty quickly,” sey pa ni Baron na gumaganap bilang Tagasundo/Gustavo sa Primetime Bida series na Nathaniel na magtatapos na next week.

Ayon pa kay Baron, hindi na bago ang pamba-bash sa kanya sa social media, lalo na nang maaksidente siya kamakailan na muntik na niyang ikamatay. Ang mabilis na paghusga ng mga tao ay baka raw lasing na naman siya kaya siya naaksidente.

Pero mismong ang mga pulis na ang nagsabing hindi siya lasing nang maganap ang insidente. Sey ni Baron, “I cannot blame all these people because I have been pasaway (in the past). I’ve been into a lot of trouble, so you can’t blame people, especially my reputation precedes me.

So, may stigma na ‘yan. “They will always speculate, ‘Baron is drunk again or he’s drinking, he’s intoxicated.’ But, as long as I know that nasa tama ako at sinabi naman sa police report at sinabi rin ng pulis that, ‘Baron was sober during the accident,’ I’m happy na binigyan ako ng justice ng Pasig Police na talagang ginawa nila ang trabaho nila. At na-vindicate naman ako.”

Dagdag pa ng binata, naka-focus siya ngayon sa kanyang sarili at sa kanyang trabaho, tina-try daw niyang ituwid na ang kanyahg buhay, “Gaya ng sinabi ko nga, I’m done with all the beast mode.

It’s all about the peace mode now, especially, you know, learning from all of these good actors and directors and the story also that I read, the script.

“My mission is to become a better man, a better person. I should take care or focus more on myself more than my job. I love my job so much,” chika pa ni Baron na umaming napakarami niyang natutunan sa seryeng Nathaniel.

Feeling nga raw niya pagkatapos ng nasabing programa ay banal na siya. Sinabi rin ni Baron na lagi siyang pinagpe-pray over ng co-star nila sa serye na si Ms. Coney Reyes sa taping nila ng Nathaniel na talagang nakakatulong sa kanyang pagbabago.

Read more...