Speaking of Nathaniel, finale week na ng nangungunang Primetime Bida series ng ABS-CBN ngayong darating na linggo at siniguro ng Dreamscape Entertainment na magiging exciting at inspiring ang ending ng kuwento ng anghel na si Nathaniel.
Sa nakaraang farewell/thanksgiving presscon ng programa, natanong ang members ng cast kung ano ang natutunan nila sa kuwento ng Nathaniel na pinagbibidahan nga nina Gerald Anderson, Shaina Magdayao, Marco Masa, Isabelle Daza at Coney Reyes. Napapanood ang Nathaniel after TV Patrol.
Narito ang naging tugon ng cast. Sey ni Coney Reyes, “Ang faith natin ay nagwe-waver din, pero we just have to continue to cling on to God. Dito everyday may natututunan ka kay Lord, everyday just open your eyes, be sensitive to the leading of the Lord and definitely there’s something new that’s going to teach you on a personal basis and also as a whole.
“We, everyone will realize that power; ang kapangyarihan ay walang pupuntahan kapag hindi ito ginamit sa tama,” dagdag pa nito. Ayon naman kay Isabelle, “Siguro walang magandang naitutulong ang paghihiganti.”
Ang sabi naman ni Shaina, “Alam niyo kung gaano ako ka-faithful, itong proyekto na ito isa sa pinakamalapit sa puso, at pag-practice ng faith ko. Siguro kung ano inspirasyon at struggles na ipinapakita ng characters, maski ako nagdo-draw ako ng inspiration doon.”
Chika naman ni Gerald, “Personally ang natutunan ko ay kung ano ang laging sinasabi sa akin ni Nathaniel na huwag masyadong magpadala sa emotions mo. Kung galit ka, ’yung pride mo, kasi kakainin talaga tayo ng emotions natin.
So step away, evaluate, kasi baka may magawa ka na pagsisisihan mo in the future.” Para naman kay Pokwang, “Kahit anong mangyari, pinagdaanan ko, nalampasan ko, basta kumapit ka lang sa kanya at magtiwala, huwag ka lang mawalan ng pag-asa iwan mo lahat sa kanya.”
Ang sey naman ni Baron, “Kung dati beast mode ako, ngayon po ay peace mode na ako.” –EAS