Pulisya nabigong maaresto ang mga suspek sa pagpatay sa college student sa Cebu

karen-kaye-montebon2-e1442541677402
NABIGO ang mga pulis sa Lapu-Lapu City na maaresto ang umano’y mga suspek sa pagpatay kay Karen Kaye Montebon, ang 17-taong-gulang na accountancy student, na natagpuan patay ng kayang tatay sa loob ng kanyang kuwarto noong Martes.
Inamin ni Lapu-Lapu police chief Senior Supt. Armando Radoc na nagnegatibo ang isinagawang operasyon ng pulisya noong Huwebes.
Idinagdag ni Radoc na nagsagawa ang special investigation task team ng operasyon sa Cebu City at Bohol.

Aniya, umaasa sila na lulutang ang isa sa mga pinaghahanap para naman linisin ang kanyang pangalan.

Read more...