Binay naghain ng isa pang libel suit vs dating vice mayor

Jejomar C. Binay
NAGSAMPA si Vice President Jejomar Binay ng panibagong libel suit laban sa nag-aakusa sa kanya na si dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado.
Ito na ang ikatlong kasong kriminal na inihain ni Binay laban kay Mercado sa harap naman ng serye ng mga alegasyon ng dating vice mayor.
Sa isang siyam-na-pahinang reklamo na inihain sa Makati Prosecutor’s Office kahapon, nais patunayan ni Binay na nagsisinungaling si Mercado nang akusahan niya nangingikil ang bise presidente sa mga developer ng condo unit sa Makati.

“This claim has been publicly belied by the developers themselves. It only shows that Mercado is a pathological liar and has zero credibility,” sabi ng legal cousel ni Binay na si Claro Certeza said in a statement.

Nauna nang itinanggi ng SM Development Corp., Megaworld Corp., Robinsons Land Corp., Rockwell Land Corp., at Eton Properties na nagbigay sila ng mga condo unit kay Binay at sa kanyang pamilya.

“The series of libel complaints filed by the Vice President shows his commitment to answer and refute the accusations against him in the proper forum in accordance with the rule of law,” ayon kay Certeza. Inquirer.net

Read more...