Nationalist Peoples Coaliton ang ilang mambabatas na sumusuporta sa Aquino
government.
Kabilang sa nanumpa bilang bagong miyembro si Camarines Sur Rep. Rolando
Andaya Jr., na galing sa Lakas-Christian Muslim Democrat ni dating Pangulo
at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo.
âœI am here [today] to support the tandem of Grace and Chiz. NPC is the
first major political party to step up to the plate and make themselves
available to candidacy of Senator Grace. This is a strong message on where
the heart of the party really is,â ani Andaya.
Hindi pa opisyal na nagdedeklara ang NPC kung sino ang kandidatong
susuportahan nito sa 2016 polls pero nauna ng sinabi ng presidente nito na
si Isabela Rep. Giorgidi Aggabao na karamihan ng kanilang mga miyembro ay
sumusuporta kay Sen. Grace Poe at Sen. Francis Escudero.
Sinabi naman ni NPC chairman at dating Isabela Gov. Faustino Dy III na
magdedesiyon ang partido kung sino ang susuportahan sa mga susunod na
linggo.
âœA lot of people are supporting Senator Grace. The message is out there. No
need to say it out loud,” ani Andaya sa panayam sa NPC headquarters sa
Quezon City.
Sinabi ni Andaya na walang utos upang lumipat sa NPC sa pagsuporta sa
Poe-Chiz tandem subalit minabuti umano niyang sumama sa partido.
âœWe people from Bicol like to give it all heart. NPC is for Grace and Chiz,
and so we are stand by NPC on that,” ani Andaya.
30
MOST READ
LATEST STORIES