HINDI pa man nagsisimula ang panahon ng kampanya pero milyun-milyong pisong halaga na ng salapi ang inilabas ng isang mayamang pamilya sa Central Luzon.
Gusto kasi nilang tiyakin na mananalo sa mayoralty seat ang miyembro ng kanilang pamilya na ngayon pa lang ay feeling alkalde na sa kanilang lungsod.
And speaking of pera, nilunok at isinanla ng ilang local officials ang kanilang pride kapalit ng pagtanggap ng pera bilang suporta sa milyonaryong kandidato na ating subject sa balitang ito.
Hindi bababa sa P3 milyon kada konsehal ang alok ng milyonar-yong ito kapalit ng paglipat nila ng bakuran.
Dahil sa laki ng offer ay kaagad na nag-deal ang mga inalok na opisyal.
Bukod sa pera ay tatanggap pa sila ng ibat-ibang mga perks and privileges sa sanda-ling manalo ang kanilang makwartang kandidato.
Dahil malaki ang inihandang pera ng kandidatong ito kaya pati mga opisyal ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) ay isinama na rin nila sa kanilang shopping list.
Ayon sa ating Cricket, P2 milyon ang paunang budget na inilaan para sa mga opisyal ng TODA sa kanilang lungsod.
Isang elected official din ang misis ng kandidatong ito kaya sanay sila sa galaw ng maru-ming pulitika para lamang makakuha ng suporta sa kanilang mga kababayan sa isang malapit na lalawigan sa Metro Manila.
Naging balita din noon na milyun-mil-yong pisong halaga ng pera ang ipinambayad ni Misis kaya kumambyo at umatras sa kanyang kandidatura sa kanilang distrito ang isang dating opisyal ng Arroyo Administration.
Ayaw ma-stress ni Madam kaya inareglo na lamang niya ang kanyang kalaban sa halalan.
Tried and tested na para sa kanila ang pag-gamit ng pera sa kampanya at ito ang kanilang ginagamit na taktika para makakuha ng maraming supporters sa nasasakupan nilang lugar.
Sa ngayon ay abala ang kanilang mga kahera sa pagpapalabas
ng pera para bilhin at suhulan ang mga baranggay officials sa kanilang lungsod.
Kahit umabot sa daang milyong piso ang kanilang magagastos sa halalan ay okay lang basta ang mahalaga ay matupad ang pangarap ni Sir na maging City Mayor.
Hindi maganda ang ganitong panimula dahil sinisira nila ang dangal ng halalan bukod pa sa ginagawa nilang pera-pera na lamang ang halaga ng eleksyon.
Ang first-time candidate na ngayon ay abala na sa pagbili ng suporta ay si Mr. H….as in Hulugan.