Jackie Lou napaiyak nang malamang tomboy ang anak

JACKIE LOU BLANCO

JACKIE LOU BLANCO

Nakaka-relate ang magaling na aktres na si Jackie Lou Blanco sa bago niyang teleserye sa GMA Afternoon Prime, ang transgender serye na Destiny Rose. Ito’y dahil ang panganay daw niyang anak ay proud lesbian naman.

Ang Destiny Rose ay pinagbibidahan ng Kapuso matinee idol na si Ken Chan na gumaganap sa serye bilang isang transwoman. At sa presscon nga ng Destiny Rose kamakailan ay diretsong inamin ni Jackie Lou na tomboy ang panganay na anak nila ni Ricky Davao na si Rikki Mae.

“My eldest daughter is gay. I cried, not because I did not accept her. As a parent, we always have dreams for our children.

“I already have dreams for my children since they were born. But it is their life, not ours. Dapat isipin rin natin na kung may pangarap tayo para sa kanila, ano naman kaya ang pangarap nila para sa sarili nila?” ang matapang na naging pahayag ng aktres.

Naniniwala rin si Jackie Lou na may karapatan ding lumigaya ang kanyang anak kaya suportado niya ito 100 percent bilang ina. Basta aniya, hindi siya nagkulang ng pangaral kay Rikki Mae.

“As a parent, all I did was to love. My feelings for my daughter never changed when she came out. Life is hard in itself. They need love and understanding,” aniya pa.

Kuwento nga ng aktres, naapektuhan siya sa isang eksena sa Destiny Rose kung saan binugbog ng karakter ni Joko Diaz ang gumaganap na batang Destiny Rose na si Miggs Cuaderno.

“We don’t have to be so physical with our children. Anak natin ‘yan. Hindi natin dapat sila sinasaktan.

Kaya natin sila binuhay sa mundong ito para alagaan at mahalin. I believe, it’s all love. Love will always win sa mga ganitong situation ng buhay natin,” aniya pa.

Kasama rin sa Destiny Rose sina Manilyn Reynes, Michael de Mesa, Sheena Halili, Katrina Halili, Fabio Ide, Ken Alfonso, Jeric Gonzales, JC Tiuseco at marami pang iba.

Read more...