Hinihingi na ng BF ang pagkababae

Sulat mula kay Lorie  ng Aquino Avenue,  Butuan City
Dear Sir Greenfield,

May boyfriend ako sa ngayon at mag-iisang taon na ang relasyon namin sa darating na birthday niya sa September 25. Okay naman ang relasyon namin. Wala ring gaanong problema kahit minsan ay nagkakatampuhan kami, pero saglit lang iyon nagbabati uli. Ang problema ko lang sa ngayon ay may hinihingi siya sa darating na birthday niya. Sabi niya sa akin ay ipa-birthday gift ko na lang daw sa kanya ang aking pagkababae. Nagulat nga ako sa request niyang iyon. Hindi ko naman siya tahasang tinanggihan. Sa halip ang sabi ko sa kanya ay pag-iispan ko muna. Sa bagay, nang maging boyfriend ko siya ay hindi na ako virgin at alam niya na ‘yon. Pero sa kabila nito, sabi niya sa akin ay mahal na mahal niya daw ako. Kung sakali kayang ibigay ko sa kanya ang hinihingi niyang regalo, makatitiyak kaya akong kami na ang magkakatuluyan? February 4, 1992 ang birthday ko at September 25, 1990 naman ang boyfriend ko.
Umaasa,
Lorie ng Butuan City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May dalawang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1. at 2.) sa iyong palad. Ibig sabihin, ang ikalawang boyfriend mo ang iyong makakatuluyan. Kaya kung ikalawang boyfriend mo na ang kasalukuyan mong nobyo, “ibigay mo man o hindi sa kanya ang iyong pagkababae” bilang pa-birthday gift, sa bandang huli, malaki ang posibilidad na kayo pa rin ang magkakatuluyan.

Cartomancy:
Two of Clubs, Ten of Hearts at King of Clubs ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kapwa matutupad ang wish mo at ang wish ng boyfriend dahil sa taong ito ng 2015 sa buwan ding ito ng Setyembre sa ayaw at sa gusto mo kusa mong maibibigay sa boyfriend mo ang iyong pagkababae. Sa susunod na taong 2016 ay may isang masaya at pang habang buhay ng pag-aasawang itatala sa iyong kapalaran.

Itutuloy

Read more...