Kris sa naging kabit ng ex-dyowa: Kung alam ko lang ‘yan ang itsura mo, di ako nag-aksaya ng panahon!

KRIS AQUINO

KRIS AQUINO

DIRETSONG ibinandera ni Kris Aquino sa kanyang morning show kanina na nagsisisi siya noong “sugurin” niya ang “other woman” ng isa niyang nakarelasyon noon.

Isa si Kris sa gaganap na kabit sa pelikulang “Etiquette For Mistresses” at natanong nga siya sa Kris TV kung ano ang kanyang gagawin sakaling mahuli niyang magkasama ang kanyang dyowa at ang kabit nito.

“It has already happened. The truth, ay nasabihan ako: ‘Had I known how you look I would never have bothered coming after you,'” ang mataray na pahayag ng TV host-actress.

Pero hindi na nagdetalye pa si Kris tungkol sa nasabing confrontation scene, “Hayaan na lang natin, ako lang naman eh. Sinabi ko talaga, ‘kung alam ko lang ‘yan ang itsura mo ‘di ako nag-aksaya ng panahon.”

Marami ang naniniwala na si James Yap ang tinutukoy ni Kris na dati niyang karelasyon na nagkaroon ng “other woman”.

Sa nakaraang presscon naman ng “Etiquette For Mistresses” natanong din si Kris tungkol dito, aniya, “Na headline na yan sa Inquirer na ginawa ko ‘di ba? Election time pa ‘yun.” .

Nang tanungin kung gaano katotoo ang lumabas na balita, “70% of it was true.”

Hirit pa ni Kris, “Pero sa totoo lang ‘di ba you learn from your mistakes ika nga. Sinabi ko ‘yun na ano, nung nakita ko kung ano ‘yung itsura na realize ko nag aksaya ako ng panahon.”

Read more...