Kathryn humingi ng sorry sa pang-iisnab kay Bobot Mortiz

KATHRYN BERNARDO

KATHRYN BERNARDO

WHEN Edgar Mortiz attended the recent Star Magic Ball, everyone seems to have greeted him. There was one, however, who ignored his presence.

To show his disappointment, Edgar tweeted this, “First time kong umattend ng Star Magic ball ang saya, natutuwa ako nakita kong lahat ang mga bulilit kids ko dati. Mga super sikat na sila, lahat lumapit at bumeso sa akin, isa lang ang hindi, pag sumikat ako di rin kita lalapitan.. Hehe.”

There seems to be a clue in his post as to who snubbed him. It appears na “sikat” meant Kathryn Bernardo. And it was indeed her who snubbed the director as another website as revealed by Edgar’s son Badjie.

Agad namang binash ng KathNiels ang mga anak ni Edgar as one said, “Pakisabi sa Tatay nyo bago mag post, alamin muna ang side ni Kathryn.”

“Wala ako sa ball. Di ko alam nangyari kaya wala ako sinasabi. Kung wala ka din don. Wag kang pabida. Nagusap na sila tumawag na si Kat at nagsorry,” was Badjie’s reply.

“Kasi tapos na po. Nagsorry na. Nagkausap na sila. Di na kailangan ng mga ganyan. Nakakabobo for u,” dagdag niya.

Merong nag-praise kay Kathryn dahil agad itong nag-sorry kay direk Edgar na sinagot naman ni Badjie ng, “Ganun naman dapat. magsorry kung may naoffend. Kahit di mo sadya na naoffend mo ang tao. Importante nkpagusap sila.”

“Naiintindihan ko din. siyempre idol nila. Di lng nila alam na panget din ang effect for their idol ng gnagawa nila,” dagdag niya.

Samantala, naputukan naman ang KathNiels dahil sa pamba-bash nila sa mga anak ni Edgar na sina Camille, Badjie at Frasco. “Grabe noh! napaka-warfreak talaga nila! at talagang inaway nila mga anak ni Direk Bobot eh noh? Mga walang breeding. tsk!” said one fan.

“Ang gusto kasi ng mga fans ni KATH eh magandang balita lang lahat..Kakaloka ha! Hindi nyo alam nangyari kaya manahimik kayo!” tili naman ng isa pa.
“Kalokang mga fantard ni Kathryn. Samba pa more sa kanya. Lumaki na nga ang ulo niya. No doubt. Sana kung gaano kalaki na yung ulo niya ngayon ganoon din sana siyang kagandang umarte. Pabebe eh,” comment naman ng isa.

Pati nga si Kathryn ay nabatikos when one said, “Kath number 1 faney mo ko dati kasi napaka simple mo pero bat ngayon hirap mo na mahalin, parang napakataas na ng ere mo.”

Buti pa si Daniel Padilla walang ganitong mga isyu, nananatili pa rin kasing humble and palabati ang Teen King.

Read more...