Driver ng mini bus patay; 54 sugatan sa aksidente sa Bataan


PATAY ang driver ng bus, samantalang sugatan ang 54 iba pa mga pasahero na karamihan ay mga estudyante matapos banggain ng isang trak ang sinasakyan nilang bus sa kahabaan ng Roman Highway sa barangay Bagong Silang, Balanga City noong Miyerkules ng gabi, ayon sa pulisya kahapon.
Sinabi ni Balanga City police chief Supt. Frederick Obar na ihahatid sana ng driver na si Joselito Hizon ang mga pasahero papuntang bayan ng Mariveles nang banggain ito ng isang trak na biyaheng Metro Manila malapit sa Bataan Tourism Office sa kahabaan ng Roman Highway ganap na alas-7 ng gabi.
Namatay si Hizon, 54 habang dinadala sa ICMC Hospital sa Balanga City. Dinala naman ang mga nasugatang pasahero sa iba’t-ibang mga ospital sa Balanga.
Idinagdag ni Obar na kasama ang driver na trak na si Marlon Paralejas, 36, at helper na si Ronel Ebora sa mga nasugatan at dinala sa Bataan General Hospital sa Balanga City.

Read more...