Salceda: Banggaang Chiz at Leni di makakabuti sa mga Bicolano

escudero-robredo
NAGPAHAYAG ng pagkabahala si Albay Gov. Joey Salceda sa posibilidad na magharap sina Camarines Sur Rep. Leni Robredo at si Sen. Francis “Chiz” Escudero sa pagka-bise presidente matapos namang opisyal na magdeklara ang senador bilang ka-tandem ni Sen, Grace Poe sa 2016.

Sa kanyang post sa Facebook, sinabi ni Salceda na hindi magiging maganda para kina Escudero at Robredo na maglaban para dahil pareho silang Bicolano.

Isa si Robredo sa pinagpipilian ni dating Interior secretary Mar Roxas bilang kanyang ka-tandem sa 2016.
“Chiz runs for VP of Grace. That trumps Leni since it is not good for a Bicolano to fight another Bicolano unless there it involves game-changing reasons. Definitely, whether you like it or not, Bicolanos will vote for another Bicolano. Non-Bicolano candidates can only mitigate the impact,” ayon pa kay Salceda.

Read more...