Liza nabawasan ang fans dahil kay Enrique

liza soberano

USAP-USAPAN ng mga bloggers na inimbita sa nakaraang Star Magic Ball ang ‘di pagsipot ng controversial Star Magic artist na si Jessy Mendiola.

Iba-iba ang kanilang mga opinion at haka-haka sa pang-iisnab ni Jessy sa mismong party ng nagha-handle ng kanyang career.

Of course, alam naman natin ang recent controversy na kinasadlakan ni Jessy with her co-Star Magic artists na sina Enrique Gil at Liza Soberano.

May nagsabi na statement daw ‘yun ni Jessy after ma-harass ng kapwa niya Star Magic artists sa “airplane scandal” going to London.

Umiwas na lang daw si Jessy na makita sina Enrique at Liza kaya hindi na siya umattend ng party. Pero ayon naman sa ibang taga-social media na nakausap namin mas bongga raw kung umattend si Jessy sa party at makipag-piktyuran doon with Enrique at Liza.

Tiyak daw na makukuha ni Jessy ang atensyon ng lahat. Pero hindi raw kasi ganoon si Jessy na mahilig umagaw ng atensyon and until now ay malungkot pa rin ang GF ni JM de Guzman sa nangyaring iskandalo.

May mga nag-post naman sa social media na turn-off sila sa ginawa ni Liza na pagsama kay Enrique sa paghingi ng public apology on national television.

Enough na raw na nag-sorry si Enrique pero para samahan pa ni Liza na mag-public apology pagkatapos daw siyang tawaging “B,” nawala raw ang paghanga nila sa magandang dilag. Tuloy nabawasan daw ang fans ngayon ni Liza.

Read more...